Hindi ako susuko (57)
NANG maubos ang kanilang artworks, niyaya ni Reagan si Kennedy sa simbahan para magpasalamat sa Diyos sa ipinagkaloob na biyaya sa kanila.
“Kailangan ay lagi ta-yong magpapasalamat sa Diyos. Huwag mong kalilimutan, Kennedy.’’
“Oo Kuya.’’
Pagkalabas ng simbahan nagtungo sila sa tindahan ng mami at siopao. Bumili sila ng pasalubong para sa kanilang tatay at nanay at mga kapatid na sina Clinton at Nixon.
MINSAN isang araw ng Sabado na abala sila sa pagguhit, napansin ni Kennedy ang nakasabit na portrait ni Sir Abe sa dingding.
“Anong gagawin mo sa portrait na yan Kuya?’’
“Hayaan na lang muna yan diyan.’’
“Bakit ba hindi mo yan binigay sa mga anak ni Sir Abe?’’
“E di ba nilait-lait ako ng anak na babae?’’
“Hindi ko alam yun Kuya. Hindi mo naikuwento sa akin.’’
“Ah, kina tatay at nanay ko lang pala nasabi.”
Ikinuwento ni Reagan ang mga nangyari sa burol ni Sir Abe.
Hindi makapaniwala si Kennedy.
“A kaya pala hindi mo na naibigay ang portrait, Kuya.’’
“Oo.’’
“Sana Kuya, magkainteres sa darating na panahon ang babaing nanlait sa’yo na bilhin yang portrait na yan. Ipagbibili mo ba?’’
“Hindi!’’
“Bakit?’’
“Basta. Hindi ko ibibigay ang portrait na yan.’’
“Parang ganti sa ginawa sa’yo?’’
“Hindi naman. Gusto ko lang ipamulat ang ginawa niya sa akin na tinapak-tapakan ako.’’
Napatangu-tango si Kennedy.
(Itutuloy)
- Latest