
Panggabing kalangitan sa Japan, pinagliwanag ng bulalakaw
ANIMO’Y may full moon sa Japan nitong nakaraang Linggo nang isang bulalakaw ang bumulusok doon dahilan upang magliwanag ang panggabing kalangitan.
Ayon sa mga nakakita sa bulalakaw ay para raw itong bolang apoy na nahulog mula sa kalangitan. Marami ang nakakita sa pagbulusok nito pababa ng mga bandang 1:35 a.m. kaya naman agad kumalat ang mga kuhang video ng pangyayari mula sa iba’t ibang bahagi ng Japan.
Ayon kay Takeshi Inoue, director ng Akashi Municipal Planetarium, ang namataang meteor ay bolide – isang klase ng bulalakaw na nagdudulot ng pambihirang liwanag sa pagbulusok nito sa lupa.
Kapantay raw ng liwanag nito ang liwanag na nagmumula sa buwan kapag full moon.
Naniniwala naman ang ibang eksperto na maaaring may ilang piraso ang bulalakaw na nakarating sa lupa.
- Latest