Dapat na huwaran, s’ya pang pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

Sa kasagsagan nang kahigpitan sa ipinaiiral na community quarantine sa COVID, maraming mga ordinaryong mama­mayan­ ang nasampolan.

Ito ‘yung mga lumabag sa mga health protocol, kabilang  nga dyan ang simpleng hindi pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing at mga gathering.

Bilang parusa, ang ilan ay pinag-community service para raw madala at huwag maging pasaway.

Ngayon, tila hindi na mga ordinaryong mamamayan ang nasu­sumpungan sa mga paglabag sa protocol.

Mukhang matataas na opisyal na rin ng pamahalaan ang tila nakakalimot at nagiging promotor sa mga gathering na hindi naman naipapatupad at nababantayan ang social distancing.

Hindi ba dapat sila ang maging huwaran na tularan sa pagsunod?

O baka naman, sila ang maging huwaran sa pagsuway at pagiging pasaway.

Kung sumaway, dapat sumailalim din sa nakalaang kaparusahan.

Dapat yatang paglinisin din ang mga ito sa mga pampang sa karagatan.

Kasi ang batas ay para sa lahat, ang kaparusahan sa paglabag sa batas ay para rin sa lahat.

Walang exemption kahit pa opisyal ng pamahalaan.

Dapat pa nga sila ang manguna sa pagsunod nang hindi sila mapulaan.

Ngayon kapag napuna, panay ang paliwanag.

Ang mga ito ang maituturing na tunay na ‘pasaway’.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with