PNP, sasabak sa bagyo at iba pang sakuna! – General Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

DAHIL sa sunud-sunod na mabagsik at mapanganib na bagyo na dumarating sa bansa, pagtutuunan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng equipment at training sa humanitarian assistance tuwing may sakuna. Hindi naman maipagkaila ng PNP na noong dumating ang mga bagyong Ondoy, Habagat, at Yolanda may mga pulis tayo na kasama sa mga nalunod habang nagsasagawa ng search and rescue missions sa mga tinamaang lugar. Nitong bagyong Rolly at Ulysses ay medyo may kasanayan na sila at gamit na mga pumpboat at iba pa subalit hindi pa ito sapat, ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Administration.

Para maging handa sa bagyo dahil sa typhoon path ang Pinas, ipinagdiinan ni Eleazar na hindi lang pakikibaka sa terorista, kriminal at drug syndicates ang paghahandaan ng PNP kundi maging ang mapanirang delubyo, na halos ikinalubog ng mababang lugar ng bansa at nagdulot ng panganib sa buhay ng ating mga kababayan. Araguuyyyy! Nasa tamang landas lang itong kapulisan natin sa pamumuno ni PNP chief Gen. Debold Sinas, ‘di ba mga kosa?

Nitong nagdaang bagyong Rolly at Ulysses, makikita naman ang kabayanihan ng kapulisan sa pagsagawa ng rescue operations ng mga residente na na-trap sa bubong ng kanilang bahay sa Bicol, Cagayan Valley at eastern Metro Manila.

“We have seen the courage and dedication of our colleagues who braved even the raging flashflood to save our trapped kababayans and who face the dangers of possible untoward incidents while clearing roads from debris and landslides as first responders,” ayon kay Eleazar sa harap ng mahigit 60 pulis na nagtapos ng Research and Development Course Class 01-2020 sa Camp Crame. “The challenge now for you, as the among the PNP’s think-tank, to come up with the best recommendations and policies to adapt to the fast changing landscapes not only on the field of law enforcement but also on the aspect of us being one of the go-to agencies when it comes to disaster response,” ang dagdag pa ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na inutusan ni Sinas ang Directorate for Research and Development (DRD) na magsagawa ng scientific study tungkol sa training programs at pag-angkat ng makabagong kagamitan para sa disaster response. Maaring dagdag trabaho ito sa kapulisan natin subalit nararapat lang na maghanda na sa mga malalakas na bagyo na darating sa bansa, di ba mga kosa? Hehehe! Mukhang maganda itong tandem nina Sinas at Eleazar ah! Tumpak! 

Ang epekto ng climate change sa Pinas ay palala kada taon, ani Eleazar, kaya’t nararapat lang na ang PNP units ay mag-adapt kung paano mapabilis at mapadali ang pag-responde tuwing may malaking sakuna. Dahil ang PNP at ang AFP ang nasa unahan palagi ng search, rescue, at relief efforts kaya’t dapat magkaroon ang kapulisan ng regular training programs, lalo na ang pagbili ng kagamitan na magamit tuwing may bagyo at iba pang sakuna.

Iginiit pa ni DCA na ang modernization ng PNP para mapaganda ang operational capability nito ay suportado ni President Digong kaya’t inutusan n’ya and DRD na gumawa ng rekomendasyon kung anu-anong gamit ang bibilhin para magamit sa disaster response. Hehehe! Anong say n’yo mga kosa? Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with