Hindi ako susuko (56)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

SINUBUKAN ni Reagan ang kapatid na si Kennedy. Pinag-drowing niya ng magsasakang nakasakay sa kalabaw. Lapis lang ang pinagamit niya rito.

Habang gumagawa si Kennedy ay pinagmamasdan ni Reagan. Humanga si Reagan. May ibubuga si Kennedy. Nakikita na agad sa bawat bagsak ng lapis.

Nang matapos ang gina­gawa ay pinakita ni Kennedy kay Reagan.

“Eto Kuya ang gawa ko.’’

“Galing ah! Mukhang mas mahusay ka pa sa akin.’’

“Hindi naman Kuya. Sa iyo nga ako hanga eh.’’

“Lagi kang magpraktis para lalo kang humusay.’’

“Oo Kuya.’’

“Tutulungan mo ako sa mga ginagawa kong bulaklak series. Ikaw ang magkukulay. Tingnan ko kung mahusay ka sa pagkukulay. Kailangan ay mabilis ang pagkukulay dahil mabilis matuyo. At dapat ay sure ang bagsak ng brush.’’

“Tatandaan ko Kuya.’’

“Sa Sabado, gagawa tayo. Kapag may nagawa tayo, dadalhin natin sa bayan sa Linggo para may kitain tayo.’’

“Sige Kuya. Kayang-kaya natin ‘yan!’’

Walang pasok kapag Sa­bado si Reagan kaya ‘yun ang araw para siya makapagguhit ng series ng mga bulaklak.

“Bougainvilla series ang tirahin natin Kennedy. Tiyak maraming bibili.’’

“Sige Kuya.’’

Nagtulong ang magka­patid sa pagguhit. Si Reagan ang nagdedesenyo at si Kennedy ang nagkukulay.

Bumilib si Reagan kay Kennedy, kuhang-kuha nito ang kulay. Parang propesyunal na kung gumawa.

Napangiti si Reagan, ma­laki rin ang pag-asa ni Kennedy sa larangan ng pagguhit.

Marami silang natapos na artwork ng araw na iyon.

“Bukas maaga tayong aalis, Kennedy para mabilis nating maibenta ang mga nagawa natin. Palagay ko marami ang makakagusto sa mga ito. Mahusay ang pagka­kakulay mo --- parang toto­ong-totooo ang mga bougainvilla.’’

“Mahusay kasi ang pagkakadesenyo mo Kuya. Sinundan ko lang naman kung ano ang nakadesenyo.’’

“Pero mahusay ka na agad sa pagkukulay.’’

“Salamat Kuya. Siguro ay nasa dugo talaga natin ang pagiging artist.’’

“Oo nga.’’

KINABUKASAN, ma­agang umalis ang magkapatid patungong bayan dala ang kanilang artworks.

Tama ang mga sinabi ni Reagan na maraming ma­ka­kagusto sa bou­gain­villa series nila.

Pinagkalipumpunan ng mga ta­ong lumabas mula sa simbahan. Mara­ming humanga sa husay ng pagkakaguhit. Parang mga totoong bulaklak.

Iglap lang at naubos ang ka­ni­lang pinaghirapang iguhit.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with