EDITORYAL - Karoling at Christmas party, bawal muna

EDITORYAL - Karoling at Christmas party, bawal muna

(Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

HINDI papayagan ang nakaugaliang pagka­karoling ngayong panahon ng Kapaskuhan upang makaiwas sa COVID-19. Pati na rin ang pagdaraos ng Christmas party sa mga tanggapan ng gobyermo at pati sa mga pribado. Hindi papayagan ang mga ito bilang pagsunod sa health protocol na ipinatutupad sa buong bansa upang hindi kumalat ang COVID-19. Sa mga pagtitipon, ang pinapayagan lamang ay para sa 10 tao kaya hindi puwede ang maramihang pagdaraos ng kasayahan gaya ng Christmas party.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Oli­varez, head ng Metro Manila Council (MMC), napag­­kasunduan nang lahat ng mga mayor sa kalakhang Maynila na hindi papayagan ang pagkakaroling at pagdaraos ng Christmas party sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Nagkaroon ng pulong ang lahat ng Metro Manila mayors noong Linggo. Ayon pa kay Olivarez, dini-discouraged din nila ang mga nasa pribadong kompanya na huwag magdaos ng pagtitipon ngayong Kapaskuhan. Ito ay para makaiwas sa paghahawahan ng virus. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 425,000 ang kaso ng COVID-19. Sa bilang na ito, 387,616 ang nakarekober at 8,255 ang namatay.

Huwag munang magdaos ng Christmas party o mangaroling. Sundin ang mga pinag-uutos para hindi na dumami pa ang kaso ng COVID. Maski ang mga pagsasama-sama ng pamilya o reunion ngayong Pasko ay makabubuting iwasan muna o huwag munang gawin dahil sa panganib ng virus.

Nasa paligid pa ang COVID-19 kaya hindi pa dapat maging kampante lalo ngayong panahon ng kapaskuhan. Huwag munang magsama-sama. Ka­unting tiis muna ngayong Pasko. Mas lalong mala­king problema kapag dumami ang kaso ng COVID.

Higpitan din naman ang pagdagsa ng mga tao sa Divisoria ngayong Kapaskuhan. Kahapon, ma­rami­ na namang tao sa Divisoria at hindi na umano nasusunod ang social distancing. Mayroon din umanong walang suot face mask ang ilan.

Kung mahigpit sa pagdaraos ng Christmas party at pagkakaroling, dapat mas tutukan ang mga lugar na dinadagsa ng tao (gaya ng Divisoria) sapagkat tiyak na narito ang virus.

 

CHRISTMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with