^

Punto Mo

Coffee on the wall

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

DALAWANG turista ang pumasok sa isang coffee shop sa Venice, Italy. Habang ini-enjoy nila ang masarap na kape ay may naobserbahan sila sa mga Italyanong umoorder ng kape sa waiter. Isang kostumer ang umorder ng kape.

“Dalawang tasang kape please. One on the wall.”

Dalawa ang inorder pero isang tasa lang ang ibinigay ng waiter sa kostumer. Pagkaubos ng kape ay nagbayad ang kostumers­ para sa dalawang kape. Ang waiter ay kumuha ng papel, isinulat ang mga katagang  “A cup of coffee”, at idinikit niya ito sa white board na nakadikit sa wall ng coffee shop.

Sa dalawang sunod na araw na pagkakape ng dalawang turista, napansin nilang dumami ang nakadikit na papel sa wall na may nakasulat na “a cup of coffee”. Ibig sabihin, maraming kostumers ang umorder ng extra coffee. Na-curious sila. Para saan iyon? Nagbubulungan ang dalawang turista nang may mag-asawang matanda na mukhang mahirap ang pumasok sa coffee shop. Mahahalata ang kanilang kahirapan dahil sa luma at puro sulsing damit na suot nila. Umupo sila at tumingin sa wall na pinagdidikitan ng mga papel na may nakasulat na “a cup of coffee”.

Magalang na lumapit ang waiter at kinuha ang order.

Dalawang kape iho, sabi ng matandang lalaki.

Pagkaubos ng kape ay umalis ang dalawang matanda nang hindi nagbayad. Inaasahan ng dalawang turista na hahabulin ang mga ito ng waiter ngunit walang ganoong nangyari. Sa halip, ang waiter ay lumapit sa wall, tinanggal ang dalawang papel na kinasusulatan ng “a cup of coffee”.

Naunawaan ng dalawang turista kung para kanino ang ekstrang kape na binabayaran ng mga kostumer. Para iyon sa mahihirap na gustong magkape ngunit walang perang pambayad. Hindi na nila kailangang mamalimos at ibaba ang kanilang dignidad para lamang sa isang tasang­ kape. Bago umalis ang dalawang turista sa bayang iyon, umorder muna sila ng “10 cups of coffee on the wall”.

vuukle comment

COFFEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with