Hindi ako susuko (55)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

PINAGBUTIHAN ni Reagan ang pag-aaral ng Fine Arts. Lalo pa siyang nagsikap at naging masipag. Nasa third year na siya. Isang taon na lang at matatapos na siya. Halos abot-kamay na niya ang pangarap na makatapos at nang maiangat niya ang buhay ng kanyang pamilya.

Hindi nagbabago ang kanyang mga plano na kapag nakatapos at nakakuha nang magandang trabaho ay tutulu­ngan niya ang mga magulang at kapatid. Kapag may maganda na siyang trabaho, ipagpapagawa niya ng bahay ang kanyang tatay at nanay. Pag-aaralin niya ang kanyang mga kapatid. Nakikita niya na may pagnanais ding makatapos sa pag-aaral ang mga kapatid. Masipag mag-aral ang tatlong kapatid. Kahit nilalakad lamang ng mga ito araw-araw ang malayong school, hindi rin sumusuko ang mga ito.

At sa huli, naisip ni Reagan na kapag nakatapos siya, makakapagmalaki na siya sa anak ni Sir Abe na lumait-lait sa kanya. Maipamumukha niya rito na hindi siya umasa sa ibang tao para makatapos.

Saka napangiti si Reagan makaraang maimadyin ang lahat nang katuparan ng mga plano niya.

Mangyayari ang lahat ng mga naisip niya.

ANG kapatid niyang si Kennedy ay nagpapakita ng interes sa pagguhit. Tanging ito ang  nakasubaybay sa kanyang pagguhit at pinag-aaralan ang ang mga paraan sa pagkukulay lalo sa mga series ng drowing niya.

“Gusto mo rin bang ma­ging artist, Kennedy?’’

“Oo Kuya.’’

“Fine arts din ang gusto mong kurso?’’

“Oo Kuya.’’

“Sige maganda ‘yan. Para may katulong na ako sa mga series na ginagawa ko. Magtutulong tayo para marami tayong maibenta.’’

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with