Mga kalalakihan sa isang probinsiya sa Thailand, naglalagay ng pulang cutex upang makaiwas sa babaing multo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

NAGKAKAUBUSAN ng pulang cutex sa mga tindahan sa Kalasin province sa Thailand hindi dahil mga kababaihan ang nagpa-panic buying nito kundi mga kalalakihan na natatakot gambalain ng isang “widow ghost”.

Ang mga residente ng Pu Hong Village sa nasabing probinsiya ay nabahala matapos sunud-sunod na mamatay ang limang residente dito sa loob lamang ng dalawang linggo.

Tatlo sa mga ito ay mga kalalakihan na ang ikinamatay ay bangungot at nagmula sila sa iisang pamilya.

Ayon sa kanilang deputy­ mayor na si Pongpipat Pukrong­toong, hindi naniniwala ang mga residente roon na nagkataon lamang ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga residente nila dahil sa tingin nila ay gawa ito ng biyudang multo na naghahanap ng lalaki na kanyang makakasama sa kabilang buhay.

Kaya bukod sa paglalagay ng pulang cutex ng mga kalalakihan sa kanilang mga kuko para linlangin ang balong multo na sila kunwari ay babae, nagsasabit din ang mga residente doon ng pulang t-shirt sa kanilang bakuran at may karatula na nagsasabing “Walang naka­tirang lalaki rito”.

Ayon sa mga residente, wala nang namatay sa bangu­ngot matapos maglagay ng karatula, pulang t-shirt sa kanilang bakuran at pulang cutex sa kanilang mga kuko.

THAILAND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with