Dapat maging huwaran!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

Mukhang talagang magiging kakaiba ang mga pagdiriwang ng mga selebrasyon ngayong holiday season.

Marami na ang ipinagbabawal muna sa mga aktibidad.

Nandiyan ang bawal ang mga pagpa-party sa mga tanggapan ng gobyerno at maging sa pribado, nandiyan ang bawal mangaroling, bagama’t hindi naman direktang sinasabing bawal hinihikayat din ng DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan na ‘wag na rin munang magsagawa ng mga reunion, ang naging tradisyon nang ‘pamamasko’ at ang buffet.

Ang lahat ng ito ay upang maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Kasi malaki ang posibilidad, ayon sa mga eksperto ang biglang pagtaas sa kaso ng COVID pagkatapos ng holiday season kung hindi mag-iingat ang bawat isa at ang mga pami-pamilya.

Ibang-iba ang magiging selebrasyon sa taong ito kaysa sa nakaugalian dahil nga nahaharap ang bansa at maging ang buong mundo sa pandemya ng COVID.

Ilang buwan na rin ang ating tiniis, mula nang sumailalim ang malaking bahagi ng bansa sa lockdown hanggang sa unti-unting kaluwagan.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tapos ang laban sa COVID, hanggang ngayon ay wala pa ring bakuna sa bansa kaya nga ang pakiusap ng gobyerno konti pang tiis.

Kung hindi nga naman mag-iingat, baka mas lalo pang tumagal ang mga quarantine kung tataas na naman ang mga maitatalang kaso.

Eto ngayon, kung inuunawa ito ng ating mga kababayan, dapat naman na maging ehemplo ang mga opisyal ng pamahalaan.

Sa mga nakaraang linggo, napaulat ang ilang mga paglabag sa protocol ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan,kasama na ang ilang mambabatas.

Sana sila ang maging huwaran sa mga pagsunod at hindi sila ang nakikita sa pagsuway.

Hindi lang sana sa mga ordinaryong mamamayan pinaiiral ang mga patakaran, saklaw din sila ng batas.

‘Wag naman sanang kayo ang maging pasaway at baka kayo pa ang gayahin sa hindi pagsunod ng mga ordinaryong mamamayan.

HOLIDAY SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with