Stop quarry at mining operations sa Rizal! —Gov. Ynares

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

HINDI naman pala nagpabaya si Rizal Gov. Nini Ynares sa obligasyon niyang pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanyang mga consitutuents sa panahon ng bagyo. Sa biglang tingin, kasi parang walang pakialam si Ynares sa malungkot at kahabag-habag na sinapit ng mga alipores niya na nasalanta ng bagyong Ulysses. Hindi pala totoo ito.

Sa katunayan, nagpalabas ng Memorandum Order No. 2020-01 si Ynares noong Nobyembre 26 na nagpapasara ng quarry at mining operations sa 4,964.3162 hectares na land area ng Rizal. Mahigpit na hinikayat ni Ynares ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ihinto ang lahat ng mining tenement agreements na inisyu sa probinsiya sa ilalim ng Republic Act No. 7942.

Kasama sa ipinahinto ni Ynares sa DENR ang lahat ng crushing plants na nagsilbing ugat ng quarrying. Ipinag-utos din ni Ynares sa mga local government units (LGUs) na ihinto ang lahat ng land developmental activities, kasama na ang pagtayo ng mga subdivision sa ilalim ng RA 7160 maliban lang kung ito ay nakitang sumusunod sa kaukulang batas at rules and regulations. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hayan hindi pala manhid si Gov. Ynares sa mga hinaing ng kanyang constituents.

Maraming Pinoy ang nagbuwis ng buhay matapos tumama ang Bagyong Ondoy noong 2009, Habagat noong 2013 at nitong huli ay ang Ulysses. Halos lumubog ng dalawang metro ang mga mababang lugar sa Rizal, at pati na ang Marikina City, at hindi nalalayo na maulit pa ang delubyong ito dahil na din sa ianunsiyo ng PAG-ASA na may darating pang apat na cyclones sa bansa hanggang Mayo 2021.

Kaya tama lang ang kautusan ni Ynares para hindi pa lumala ang sitwasyon sa probinsiya n’ya at mapaghandaan nang husto ang darating pang mga bagyo at nang sa gayon ay maiwasan ang pagbuwis ng buhay ng mga Pinoy at pagkawala ng naipundar nilang kagamitan at kabuhayan. Araguuyyyy! Hak hak hak! Nasa tamang direksiyon si Ynares sa kautusan niyang ito. Anong say mo Anak Kalusugan party-list Rep. Mike Defensor Sir?

Ang kautusan ni Ynares laban sa quarry at mining operations sa Rodriguez ay epektibo kaagad noong Nobyembre 26. Iniutos niya kay Col. Joseph Arguelles, Rizal PNP provincial director na arestuhin ang lahat nang lalabag sa kanyang kautusan. Sana all ha, Col. Arguelles Sir?

Kahit sino pang Herodes ang nasa likod nitong quarry at mining operations sa Rodriguez ay dapat sumunod sa utos ni Ynares para sa kaligtasan ng mga residente sa eastern Metro Manila, di ba mga kosa?

Kung sabagay, sumulat ang Rizal provincial gov’t. sa DENR matapos ang Ondoy at Habagat para ipasara ang naturang quarry at mining operations subalit dinedma lang ito.

Ganundin ang ginawa nila nang maupo si President Digong noong 2016 at nitong huli ay noong Nobyembre 18 matapos manalasa ang bagyong Ulysses. Si Ynares na mismo ang kumilos at sana tuluy-tuloy na ito habang di pa nakakakita ng permanenteng proyekto ang gobyerno para mahinto ang malawakang pagbaha sa eastern Metro Manila na naging dahilan para hindi makatulog ang mga residente tuwing may bagyo. Abangan!

NINI YNARES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with