Hindi ako susuko (54)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

MARAMING naipong pera si Reagan mula sa mga nabenta niyang bulaklak series. Nabayaran na niya ang matrikula para sa buong semester ay mayroon pang natira para pambili ng mga gamit at allowance niya.

Hindi siya makapaniwala na makapag-eenroll nang walang kahirap-hirap.

Maaga siyang nakatapos sa pag-eenrol kaya nagdaan siya sa simbahan para magpasalamat sa Diyos sa ginawang paggabay sa kanya at sa mabilis at walang kahirap-hirap na pag-eenrol.

Dahil marami pang pe-rang natira, ibinili niya ng pasalubong ang kanyang tatay at nanay at mga kapatid. Tiyak na naghihintay ng pasalubong ang mga ito.

Tama ang iniisip ni    Reagan sapagkat malayo pa siya sa kanilang bahay ay natanaw na siya nina Kennedy, Nixon at Clinton.

Nag-unahan ang mga ito sa pagsalubong sa kanya.

“Anong pasalubong mo Kuya?’’ tanong ni Clinton.

‘‘’Yung paborito mong special siopao.’’

Tuwang-tuwa ang tatlo. Masaya si Reagan kapag nakikitang masaya ang mga kapatid. Lalo siyang nai-ins­pired na magsikap pa para mabigyan ng magandang bukas ang mga magulang at kapatid.

Bago nag-umpisa ang klase, marami pang nagawang artworks si Reagan.

Nang matapos ang bulaklak series, ang orchids series naman ang ginawa niya na mabilis ding nabenta. Katulong niya si Kennedy na nahalata ni Reagan na may angkin ding talento sa pagguhit. Marunong din itong gumuhit.

Nang mag-umpisa ang klase, nagpahinga muna siya sa pagguhit at inatupag muna ang pag-aaral. Kailangang ma-maintain niya ang grades para makasama siya sa honor roll.

Kahit gabing-gabi na ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral. Kailangang makakuha siya nang ma-taas na grado.

Hindi siya susuko!

Hindi siya aatras!

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with