Memory

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

TUWING nagpupunta kami sa St. Luke’s Hospital ay nadadaanan lagi namin ang Christ the King Church. Nabanggit ng aking mister na hindi pa siya nakakapasok sa simbahang ‘yun. Naikuwento kong muli upang maalaala niya na nakapagsimba na ako doon noong umatend kami ng aking ina sa Baccalaureate Mass ng aking kapatid isang araw bago ang graduation nito sa kolehiyo. Sabi ko pa, “Di ba, hindi ka nakasama dahil sa iyo naiwan ang dalawa nating anak?”

“Hindi ko na matandaan ‘yun!”, sagot ng aking mister. “Poor na poor kasi tayo ng mga panahong iyon kaya hindi ko na maalaala ang mga nangyari noon.”

Napahagalpak ako nang tawa. Poor na poor. Kawawang-kawawa. Aliw na aliw ako kapag napapag-usapan naming mag-asawa ang kahirapang pinagdaanan namin. ‘Yun walang-wala ka tapos biglang babagsak ang iyong kisame dahil sa lintik na dalawang pusang naghabulan at wala kang kaide-iedya kung paano nakapasok ang mga iyon. Tapos mapapaiyak ka na lang dahil wala kang perang pampagawa ng nasirang kisame. ‘Yung sa sobrang kagipitan ay isasanla mo ang iyong mamahaling camera pero ayaw tanggapin ng pawnshop dahil kapag nasira raw iyon ay walang mabibiling spare parts.

Iyon ang “super sad” na episode ng aming buhay. Ganoon nga siguro ang memory ng isang tao. Minsan ay automatic niyang nakakalimutan  ang mga hindi magagandang episodes sa kanyang buhay. Pero iba ang attitude ko sa pag-alala ng naging paghihirap naming mag-asawa. Naaaliw akong alalahanin ang paghihirap namin, sa katunayan, nagiging comedy pa sa akin. Iyon ay dahil batid kong nakaangat na kami sa dati naming kalagayan bunga ng  panalangin, sipag, talent at tiyaga.

Mas pipiliin ko pa ang nangyari sa amin, na nauna ang paghihirap kaysa nangyari sa isang tao na nauna ang asenso tapos naghihirap sa kasalukuyan. Mas masakit ‘yun. Ilang taon na silang naghihirap ngunit nasa “denial stage” pa rin siya. Upang mairaos ang dating luho na kinasanayan, nangungupit siya sa tindahan ng kanyang anak. Ginagawa niya ito kapag nasa biyahe ang pamilya ng kanyang anak at sa kanya ipinagkakatiwala ang pamamahala ng tindahan. Ngunit minsan ay nabuko. Hayun, mahirap na nga, nawalan pa ng dangal sa mata ng anak at manugang. Iyon ang bad memory na gustuhin mo man kalimutan ay hindi puwede dahil nakatatak na sa memory ng ibang tao.

CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with