Nagmistulang pagong batang lalaki sa Colombia, tinubuan nang malaking nunal sa likod

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

ANIM na taong gulang si Didier Montalvo ng Colombia. Meron siyang malaking nunal sa likod at ito ang dahilan kaya madalas siyang tuksuhin ng kanyang mga kaklase at kalaro na “pagong”.

Dahil sa labis na panunukso, tumigil na sa pagpasok si Didier. Hindi na niya makayanan ang grabeng panunukso.

Awang-awa naman kay Didier ang kanyang ina na si Luz. Hindi niya alam ang gagawin sapagkat wala naman silang pera para ipaopera ang malaking nunal ng anak. Mahirap lamang sila. Dasal siya nang dasal sa Diyos na sana, mayroong tao na tumulong sa kanyang anak. 

Ayon sa mga doctor na umeksamin kay Didier, mayroong congenital melanocytic nevus ang bata. Isa itong nunal na walang tigil sa paglaki. Hanggang sa matakpan ang buong likod ni Didier.

Hanggang dinggin ang dasal ni Luz para sa kanyang anak na si Didier.

Nalaman ng British doctor na si Neil Bulstrode ang problema ni Didier. Agad itong nagtungo sa Colombia, kasama ang kanyang team at inoperahan ang bata.

Tagumpay ang operasyon. Tuwang-tuwa ang ina ni Didier. Hindi niya akalain na maaalis ang tila sa “pagong” na likod ng anak.

Tinanggal ni Dr. Bulstrode ang nunal ng bata sa pamamagitan ng series ng skin grafts.

Maayos na ang kalagayan ni Didier. Maaari na siyang makapagpatuloy ng pag-aaral at hindi na tutuksuhin ng mga kaklase.

COLOMBIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with