EDITORYAL - Bantayan, mga negosyantengmagtataas ng presyo

EDITORYAL - Bantayan, mga negosyantengmagtataas ng presyo

(Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MAY mga negosyanteng nagsasamantala sa panahon ng kalamidad. Para kumita nang malaki ay itataas ang presyo ng mga pangunahing panga-ngailangan gaya ng instant noodles, tinapay, bottled water, gatas, kape, bigas, sabon, asukal, asin at maski kandila. Sinasamantala nila ang pagkakataon para kumita nang malaki. Wala na sa kanilang puso ang awa sa mga nasalanta ng bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad bagkus, nananaig sa kanila ang kumita nang malaki. Wala na silang konsensiya kahit pa walang-wala nang ibibili ang mga nasalanta.

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mapagsamantalang negosyante sa Luzon na mahaharap sila sa mabigat na kaso kapag napatunayang nagtaas sila ng presyo sa mga pangu­nahing pangangailangan. Nagtakda ang DTI ng 60-araw na price freeze sa buong Luzon makaraang ideklara ng pamahalaan ang state of calamity makaraan ang sunud-sunod na pananalasa ng mga bagyo. Tatlong bagyo – Quinta, Rolly at Ulysses ang bumayo sa Luzon na nagdulot ng pagkasira ng mga bahay at ari-arian at nagdulot din ng kamatayan. Grabeng pagbaha ang naranasan sa Marikina at Rodriquez, Rizal at ganundin sa Cagayan.

Mahigpit na nagbabala ang DTI sa mga may-ari ng establishment na mahaharap sila sa pagkabilanggo ng 1 hanggang 10 taon at multang P1 milyon kapag napatunayang nagtaas ng presyo ng bilihin. Hindi sila dapat magtaas ng presyo habang nasa state of calamity.

Hinihikayat ng DTI ang publiko na ireport sa kanila ang mga retailers, distributors at manufactu-rers na nagtataas ng presyo at agad nilang aaksiyunan ang reklamo. Ang kanilang One-DTI hotline ay 1-384 o sa kanilang email: ConsumerCare@dti.gov.ph

Siguruhin ng DTI na mapaparusahan ang mga magsasamantalang negosyante. Kailangang masampolan sila. Wala silang puwang sa mundong ito na ang tanging iniisip ay ang sarili sa panahon ng kalamidad.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with