Hindi ako susuko (52)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

WALA pang sampung minuto ay naubos na agad ang mga iginuhit ni Reagan. Hindi siya maka-paniwala. Dati, inaabot siya ng isang oras bago maubos ang kanyang tinda.

Binilang ni Reagan ang kanyang kinita.

Malaki ang napagbentahan niya. Naisip niya, kung laging ganito ang mapagbebentahan niya linggu-linggo madali siyang makakaipon. Bago pa dumating ang enrolment para sa second semester, nakaipon na siya ng pangmatrikula.

Dapat lang ay magdagdag siya ng produksiyon. Kulang pa ang mga ginawa niya. Mayroon pang naghahanap gaya ng bulaklak series na ginawa niya. Ilang bulaklak – santan at gumamela – lang ang nagawa niya.

Kailangan ay mas mara-ming bulaklak pala ang gawin niya. Pawang mga babae ang nagkakagusto sa mga iginuhit niyang bulaklak. Makulay ma makulay kasi at maganda sa paningin ang mga bulaklak.

Naisip ni Reagan, kapag nakagawa siya ng 25 bulaklak illustrations, mas lalong malaki ang kikitain niya. Baka makapagbigay pa siya ng gastusin sa kanyang tatay at nanay. At baka pati ang baon nina Nixon, Kennedy at Clinton ay siya na rin ang magbigay.

Napangiti si Reagan. Matutupad ang pangarap niyang makatapos ng Fine Arts sa pamamagitan ng sari-ling sikap.

Bago umuwi ay puma- sok muli siya sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos. Humingi siya ng gabay na malampasan at mapagta­gumpayan ang lahat.

Masaya siyang umuwi at ikinuwento sa tatay at nanay niya ang mabilis na pagkakabenta ng mga artworks niya.

Kinahapunan, sinimulan na muli niya ang pagguhit. Kailangang makatapos   siya ng 25 hanggang 30 artworks bago mag-Linggo.

Para mabilis makabuo ng bulaklak series, inutusan niya ang mga kapatid na pumitas ng mga ligaw na bulaklak na nasa pampang ng sapa at maging ang mga sumisibol sa bundok.

Mabilis na sumunod ang mga kapatid.

Makaraan ang ilang oras, nasa 30 klase ng bulaklak ang dala ng mga kapatid. Napakagagandang bulaklak na hindi pa marahil naiguguhit ng sinumang artist – siya pa lang ang kauna-unahan.

Kapag natapos niya ang mga ito, tiyak na ang pangmatrikula niya para sa second sem. (Itutuloy)

SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with