Pagsasara ng U-turn slots sa EDSA, busisiin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

Pinaghahandaan na umano ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalong pagbigat ng daloy trapiko sa mga lansangan partikular sa Kalakhang Maynila ngayong malapit na ang holiday season.

Partida pa riyan,  ito ay sa kabila nga ng nararanasan pa ring pandemya dahil sa COVID.

Sa kahabaan nga lang ng EDSA, mistulang bumalik na nga ang kalbaryo ng mga motorista dahil sa usad pagong na namang galawan ng mga sasakyan.

Kapansin-pansin na hindi na ito kinakaya ng ilang traffic enforcer ng MMDA, kaya nga nakasuporta sa kanila ang mga tauhan ng PNP- Highway Patrol Group (HPG).

Marami na naman ang maiinit ang ulo sa lansangan dala ng matinding trapik, na inaasahan pa ngang lalala sa mga darating na araw.

Isa sa isinisisi sa paglala ng trapik lalo na sa kahabaan ng EDSA ay ang mga isinarang 6 nang U-turn slots,  na ito naman ay ginawa para bigyang daan ang EDSA carousel route. 

Ito ang mga carousel bus na ang hintuan ay inilagay sa innermost lane ng EDSA.

Bagama’t nakatulong ito sa mga sumasakay sa pampublikong bus dahil sa talagang naging eklusibo ang lane  para sa kanila na nakabawas ng malaki sa oras ng kanilang dating pagbibiyahe, parang hindi naman ito  pumabor sa mga pribadong sasakyan na talagang siya ngayong dumaranas ng matinding kalbaryo sa pagbibiyahe.

Bukas naman ang MMDA na muli itong mapag-aralan dahil nga sa nakikita nilang ang mga pribadong sasakyan naman ang labis na naapektuhan.

May mga panukala na pagtatayo ng elevated busway sa mga lugar na isinara ang U-trn slots kung saan sa taas dadaan ang mga bus habang sa ilalim naman ang U-turn slots para sa mga private vehicles.

Pero matagalang proyekto ito, dapat yung ngayon ang maisipan ng paraan kung paano kahit bahagya eh maibsan ang kalbaryo ng mga motorista.

Marapat nga lang na muli itong mabusisi, walang namang masama sa mga pag-aaral, wala rin namang masama na kung sa tingin ay hindi epektibo o papabor sa nakakarami, dapat ay walang pangingimi na baguhin ito.

EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with