Rep. Defensor, tahimik sa isyu ng quarrying sa Montalban!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

DAPAT basagin ni Anakalusugan Partly-list Rep. Mike Defensor ang kanyang katahimikan sa akusasyon na ang kompanya niya ang isa sa likod ng malawakang quarrying operation sa Rodriguez (dating Montalban), Rizal na naging dahilan sa pagbaha sa Marikina City at kalapit na lugar nang manalasa ang Bagyong Ulysses.

Kumalat kasi sa social media ang bintang na ang Majestic Earth Core Ventures Inc., kung saan opisyal si Defensor, ang nasa likod na pagkasira ng kabundukan sa Rodriguez. Siyempre, ang mga post sa social media ay may kasamang litrato ni Defensor at nang nakatiwangwang na bundok matapos ma-quarry. Get’s n’yo mga kosa?

Habang nananatiling tahimik si Defensor sa akusasyon laban sa kanyang kompanya, luma­lakas naman ang panawagan ng mga pamilya na naapektuhan ng pagbaha na ipasara muna, hindi lang ang quarrying kundi maging ang mining operations sa Rodriguez, habang iniim-bestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung itong dalawang negosyo ang dahilan kung bakit nalubog sa baha ang mga bahay sa Marikina at kalapit na lugar nang manalasa ang Bagyong Ulysses. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Dapat ding ipatawag ng Kongreso si Defensor sa hearing nila patungkol sa pagbaha para maidepensa niya ang sarili at ang kompanya, di ba mga kosa? Hehehe! Sa hearing ng prangkisa ng media giant na ABS-CBN, si Defensor ang naka-opensa subalit dito sa Bagyong Ulysses mukhang nasa depensa siya. Weder-weder lang talaga, di ba Rep. Defensor Sir? Tumpak!

Masaya namang iniulat ni kosang Edwin Moreno na ipinasara ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang 14 na quarry operations sa probinsiya niya habang iniiimbestigahan ng DENR ang pagbaha roon nang hagupitin ng mga Bagyong Rolly at Ulysses. Si kosang Edwin kasi mga kosa ay isa lang sa libu-libong pamilya na binaha sa Rodriguez at nahirapan siyang linisin ang kanyang bahay na lumubog sa putik.

Ang tanong ngayon ni kosang Edwin, bakit si Bichara ay aksiyon-agad kontra quarrying samantalang ang mga pulitiko naman sa Rizal, tulad din ni Defensor, ay tahimik sa isyu? Magkano....este paano ba? Araguuyyyy! Hak hak hak!

May political will lang si Bichara na dapat pamarisan ng iba pang gobernador sa bansa, di ba Rizal Gov. Nini Ynares Ma’m? Huwag nang hintayin na maraming Pinoy ang malagas ang buhay sa malakihang pagbaha bago kumilos.

Sinabi naman ni Col. Tom Ibay, ang Albay provincial director na ang karamihang quarry operations na ipinasara ni Bichara ay ‘yung matatagpuan sa bayan ng Guinobatan kung saan nalubog ang dalawang barangay dahil sa lahar na nag-overflow galing sa bundok. Sa sobrang lakas ng ulan na dulot ng mga Bagyong Rolly at Ulysses, dumadausdos ang mga boulder at lahar na lumagpas sa mga gulley at umapaw sa mga dike, ani Ibay.

Nag-utos ng cease and desist order si Bichara sa quarry operation habang nire-relocate ang mga apektadong pamilya na hindi muna pinabalik sa lubog na lugar para na rin sa kaligtasan nila, ang dagdag pa ni Ibay. Sa ngayon, abala ang tropa ni Bichara sa desilting operations sa mga lubog na lugar para kapag may dumating pang bagyo nitong buwan ay hindi na lumala pa ang sitwasyon. Pre-emptive itong aksiyon ni Bichara na dapat tularan ni Ynares, di ba mga kosa? Abangan!

 

MIKE DEFENSOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with