Puwede bang alisin sa trabaho ang empleyado dahil sa sakit?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

Nagtatrabaho po bilang messenger sa opisina ang aking ama. Noong February ay nai-stroke po siya pero nakapagpagaling din naman siya nang lubusan. Ngayon pong gusto na niyang bumalik sa trabaho ay hinahanapan po siya ng medical certificate ng kompanya upang masiguradong maayos na ang kalusugan niya. Kung wala raw maipakikitang medical certificate ang aking ama ay hindi raw siya makakabalik sa trabaho at baka kumuha na sila ng ibang messenger. Maari po bang alisin sa trabaho ang ama ko dahil nagkasakit siya?—Jenny

Dear Jenny,

Sa ilalim ng Article 299 ng ating Labor Code ay maa-ring matanggal sa trabaho ang empleyado dahil sa kanyang sakit ngunit kailangang hindi lamang ito basta-bastang sakit.

Kailangan na (1) ang patuloy niyang pagtatrabaho ay labag sa batas dahil sa taglay niyang sakit; (2) makakasama hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa kalusugan ng mga kasamahan niya ang patuloy niyang pagtatrabaho; (3) may sertipikasyon mula sa mga kinauukulan na ang sakit niya ay hindi magagamot sa loob ng anim na buwan.

Patungkol sa pangatlo, kung kaya namang gamutin ang sakit sa loob ng anim na buwan ay maaring sabihan na lang ang empleyado na mag-leave of absence na lang hanggang siya ay makapagpagaling.

Malinaw sa ilalim ng batas na bagama’t maaring dahilan ang sakit sa pagkakatanggal sa trabaho, kailangang sertipikadong malubha ito kaya base sa iyong inilahad ay hindi maaring gamitin na dahilan ang pagkaka-stroke ng iyong ama upang siya ay tanggalin sa trabaho lalo na’t ayon sa iyo ay nakapagpagaling na naman siya. Masasabing illegal dismissal kung sakaling tanggalin ang iyong ama base sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang kalusugan.

EMPLOYEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with