Hindi ako susuko (50)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

KINABUKASAN, maagang-maaga pa ay inihanda na ni Reagan ang kanyang mga gamit sa pagpipinta. Kaila-ngang makagawa siya nang maraming artworks para marami siyang kitain. Kailangang kumita siya para may maipangmatrikula para sa second semester. Hindi siya dapat huminto sa pag-aaral dahil lamang naputol na ang pagsustento sa kanya ni Sir Abe. Magpapatuloy siya at makakatapos ng pag-aaral. Kapag nakatapos siya, maaari na siyang magmalaki na nakatapos sa sariling sikap. Maaari na siyang makipagbalitaktakan sa sinumang manlalait sa kanya.

Bago pa pumutok ang araw, ay mayroon nang natapos na artwork si Reagan. Pawang mga santo at santa  ang kanyang ginuhit. Naobserbahan kasi ni Reagan na mas mabenta ang mga drowing ng santo at santa. Lalo niyang pinagbuti ang pagguhit. Kaila-ngan ay walang maipintas ang mga bibili ng mga ginawa niya.

Habang subsob sa pagguhit si Reagan, lihim pala siyang pinagmamasdan ng kanyang tatay at nanay.

“Masyadong nasaktan si Reagan sa mga sinabi ng anak ni Sir Abe,’’ sabi ng tatay.

“Kawawa naman ang anak natin. Maaga siyang nasabak sa responsibilidad na dapat ay tayo ang gumagawa.’’

Napabuntunghininga ang tatay ni Reagan.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with