^

Punto Mo

Nagkakalimutan na sa banta ng COVID!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit nang papalapit ang holiday season, sya namang pagdami ng mga kababayan nating naglalabasan ng kanilang bahay.

Mistulang ayaw paawat ng marami nating kababayan na talaga naman kasing sabik nang lumabas at magawa ang dati nilang ginagawa.

Ilang buwan din naman kasing ‘naburo’ sa kanilang bahay ang marami nating kababayan dahil sa mga ipinatupad na lockdown at mahigpit na quarantine.

Ngayong papasok na ang buwan ng Disyembre at dito nga sangkaterba ang mga selebrasyon na posibleng hindi na maging katulad ng dati.

Pero marami pa rin ang hindi nagpapaawat sa shopping at pamimili na naging tradisyon na sa mga Pinoy tuwing sasapit ang ganitong panahon.

Yun nga lang, mistulang nakakalimutan na meron pa ring pandemya at wala pang bakuna sa Pinas para panlaban dito.

Partikular nga sa binabantayan ngayon ay ang lugar ng Divisoria kung saan kumalat sa social media ang pagsisiksikan na tila nakalimutan na ang COVID at hindi na nasusunod ang social distancing.

Eto, ang ikinatatakot ng mga eksperto na nauna nang nagpahayag sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID ngayong holiday season.

Kung makakalimot, alam na natin ang kasunod nito , ay ang biglang paglobo na naman sa bilang nang tinatamaan ng virus hanggang sa humantong sa muling pagsailalim sa estriktong quarantine.

Naku po, wag na sanang mangyari dahil hindi na ito kakayanin maging ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga maaapektuhan.

Mas lalong magiging kakaiba ang kalagayan kung magkaganito, kaysa noong una na nagpatupad ng lockdown.

Dapat na isipin ng marami nating kababayan na hindi pa natatapos ang pandemya at kahit sino ay pwedeng tamaan nito, lalu na ang mga ‘pasaway’ at hindi sumusunod sa mga health protocols.

Nauna nang ibinabala ng DOH walang garantiya ang face mask at face shield laban sa virus kung sasabak din naman sa mga siksikang lugar.

Marahil ito muna, ang dapat na iwasan.

vuukle comment

HOLIDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with