Mag-asawa sa Tennessee, umorder sa Mcdo, bungkos ng pera sa supot ang naibigay sa halip na pagkain

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

GULAT na gulat ang  mag-asawang Greg at Stacye Terry ng Hermitage, Tennessee, nang buksan ang kanilang inorder na pagkain sa McDonalds branch sa Hermitage.

Subalit sa halip na pagkain para sa breakfast, bungkos ng mga perang nasa supot ang kanilang nakita sa loob.

Nagtungo ang mag-asawa sa McDonalds drive-thru at nag-order ng pagkain. Walang anumang iniabot sa kanila ang inorder na pagkain sa supot. Dahil alam nilang pagkain iyon, hindi na nila pinag-aksayaang i-check ang nasa supot.

Pagdating sa bahay, natuklasan nilang pera ang nasa supot. Sabi ng mag-asawa, baka ang perang iyon ay ide­de­posito sa banko pero nadampot ng crew at naibigay sa kanila.

Makaraan ang isang oras, dumating ang isang employee ng McDo sa bahay ng mag-asawa at sinabi na nagkamali raw sila. Aksidente raw na nadampot ang supot na may pera at naibigay sa kanila.

Agad namang isinauli ng mag-asawa ang pera.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng McDo at pinuri ang kabutihan ng mag-asawang Greg at Stacye sa pagsasauli ng pera. Natutuwa raw sila sa ipinakita ng mag-asawa na hindi nagkainteres sa pera.

Sabi naman nina Greg at Stacye na muli silang babalik sa McDo at sisiguruhin nila na pagkain na nga ang naibigay sa kanila.

MCDONALDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with