^

Punto Mo

EDITORYAL - Iwasan muna ang mga matataong lugar

Pang-masa
EDITORYAL - Iwasan muna ang mga matataong lugar

DAPAT malaman ng mamamayan na nasa paligid pa ang COVID-19 at nag-aabang nang makakapitan. Nararapat itanim sa isipan na banta pa sa buhay ang COVID  kaya hindi dapat balewalain ang paalala ng Department of Health (DOH) na iwasan muna ang matataong lugar sapagkat malaki ang posibilidad na dito makuha ang virus. Magtiis muna. Huwag sayangin ang walong buwan na nakapagtiis habang naka-lockdown at sumusunod sa health protocol.

Noong Sabado at Linggo at maski kahapon (Lunes) ay dagsa ang mga tao sa Divisoria para mamili ng mga damit, sapatos, gadgets at mga pangdekorasyon sa Pasko. Dikit-dikit ang mga tao na para bang walang kinatatakutang virus. Masiglang-masigla sila sa pagpili ng mga damit at iba pang mga gamit. Nagmistula silang mga hayop na matagal na nakakulong sa kural at saka pinakawalan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 418,818 ang kaso ng COVID sa bansa. Tumataas pa ang bilang at kung hindi susunod sa health protocol ang mamamayan, darami pa ang kaso. Maski sa mga evacuation centers kung saan nakasilong ang mga biktima ng baha sa Marikina ay may mga nahawahan ng virus. Sama-sama rin ang mga evacuees at hindi na nasusunod ang tamang distansiya at karamihan pa ay walang mga suot na face mask.

Mahigpit na nagpaalala ang DOH na huwag munang magtungo sa matataong lugar na gaya ng Divisoria para hindi makasagap ng virus. Sabi ni DOH Usec. Rosario Vergeire malaki ang posibilidad na magkahawa-hawa ang shoppers na nagtutungo sa Divisoria. “Gusto lang natin ipaalala na ang risk ng pagkakahawa-hawa ay napakalaki kapag tayo ay nakakapunta sa mga lugar na maraming tao katulad sa Divisoria. Bagaman alam natin na sabik na tayo na magpunta sa mga mall para mamili ng mga pampasko natin, alalahanin na nandiyan pa rin ang virus. Kahit kayo ay nakamask at naka-face shield pero kayo ay pupunta sa mga matataong lugar na halos dikit-dikit, maaari pa rin kayong mahawa,” sabi ni Vergeire.

Magtiis muna. Huwag munang magtungo sa matataong lugar para makaiwas sa virus. Sundin ang payo ng mga awtoridad lalo ang DOH. Mas mahirap kung magkakaroon ng panibagong pananalasa ang virus. Huwag hayaang mangyari ang ganito. Sumunod ang lahat para matapos na ang problema.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with