^

Punto Mo

OFW, maari pa bang humingi ng sustento sa dating asawa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Isa po akong single mo-ther na nagtatrabaho sa ibang bansa. Maaari pa rin po ba akong humiling ng sustento para sa aking anak kahit may sarili akong kinikita? Mas malaki kasi ang sinasahod ko kaysa sa ama ng aking anak kaya iniisip kung maaari ko pa ba siyang singilin para sa mga gastusin sa anak namin. —Rachelle

Dear Rachelle,

Oo, may karapatan kang humiling ng sustento mula sa ama ng iyong anak dahil responsibilidad niya ito. Tahasang nakasaad sa Article 195 at 196 ng Family Code na obligasyon ng magulang na magbigay suporta sa kanilang mga anak. Ibig  sabihin ay tungkulin ng ama ng iyong anak na magbigay ng ambag sa mga gastusin ng inyong anak kaya hindi dapat maging isyu ang pagkakaroon mo ng mas malaking kita kaysa sa ama ng iyong anak pagdating sa usapin ng pagbibigay ng sustento.

Hindi rin siya maaring magdahilan na maliit lamang ang kanyang kinikita. Nakasaad din kasi sa Family Code na ang suporta na ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak ay nakabatay sa pangangailangan ng bata at sa suporta na kakayaning ibigay ng magulang. Maaari ring magbago ang sustentong kailangang ibigay kung magbago ang kakayahang pinansiyal ng magulang o kung magbago ang pangangailangan ng anak.

Base sa mga nabanggit ay malinaw na hindi maaring tumanggi ang ama ng iyong anak na magbigay ng suporta; malinaw na obligasyon niya ito sa ilalim ng batas at hindi rin siya maaring magdahilan na maliit lamang ang kanyang kinikita dahil ang sustento na kanyang kailangang ibigay ay nakadepende naman sa kakayahan niyang magbigay.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with