Wallet na nawala sa beach, naibalik sa may-ari makalipas ang 25 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Australia na nawalan ng wallet matapos ang isang New Year’s Eve party na isinagawa sa beach ang natagpuang muli matapos ang 25 taon.

Ayon kay Joseph Bewes, naglalakad siya sa beach nitong nakaraang linggo sa Lennox Head, New South Wales nang matagpuan niya ang isang lumang wallet na mukhang kumupas na nang husto na dahil sa tagal ng pagkakabilad nito sa labas. May laman pa itong $5 at ilang expired na credit cards.

Ipinost ni Bewes sa isang lokal na grupo sa Facebook ang kanyang natagpuan, kabilang na ang pangalan ng malamang na may-ari ng wallet na si Paul G. Davis base sa mga credit card na laman nito.

Nakita ni Jodie Davis ang post at agad niya itong ipinag-alam sa pinsan ng kanyang asawa na si Paul Davis.

Agad namang naalala ni Davis ang wallet na nawala niya 25 taon na ang naka raraan kaya naman labis ang pagkamangha na nagawa nitong makabalik sa kanya.

Nagkita na si Bewes at Davis, na nagdala ng six-pack na beer bilang pasasalamat sa nakahanap ng kanyang matagal nang nawawalang wallet.

BEACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with