Dating magsasaka sa China, nakagawang mga robot na yari sa scrap metal

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 23, 2020 - 12:00am

MARAMING kabiguan na pinagdaanan si Wu Yulu, 47, isang dating magsasaka sa Beijing, China.

Noong 1986, nalubog siya sa rami ng utang. Akala niya, hindi na siya makaaahon sa problemang iyon.

Sumunod na problema ay nang magsaboy sa kanya ng battery acid na muntik nang maging dahilan ng kanyang kama­tayan.

Sumunod na problema ang pinaka-mabigat, nagkahiwalay silang mag-asawa.

Pero sa kabila ng mga mabibigat na problema, nalampasan iyon ni Wu. At hindi siya makapaniwala na magtatagumpay siya at kikilalanin pa sa lipunan dahil sa kanyang mga imbensiyon.

Noon pa ay hilig na ni Wu ang paggawa ng mga robot. Libangan niya ang pagbuo ng mga robot na yari sa scrap metal.

Nakabuo si Wu ng 47 robots at lahat ng mga iyon ay maki­kita sa kanyang bakuran. Nakikita ng mga kapitbahay ang mga robot na lumulukso, nagmamasahe, umiinom ng tubig, nagpipinta at humihila ng kariton habang sakay si Wu.

Dahil sa kakaibang imbensiyon ni Wu, nakilala siya sa buong mundo. Nang imbitahan siya sa Shanghai World Expo, dinala niya roon ang 30 robots na ginawa niya. Ipinaliwanag niya ang practical uses ng kanyang robots.

Marami siyang natanggap na salapi­ bilang premyo at mayroong kumon­trata sa kanya para gumawa pa ng mga robot. Karaniwan ay mga unibersidad ang gustong makakuha ng kanyang ser­bisyo.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with