Kunsintidorang ina
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

TINATAWANAN lang ni Sol ang mga kalokohang pinaggagagawa ng kanyang anak na lalaking si Gil noong bata pa ito. Cute. Nakakatuwa.

Nasa kinder pa lang ay nakatikim na ng bagsak si Gil. Hindi puwedeng i-promote sa grade one dahil puro bagsak ang mga exams. Okey lang ‘yun kay Sol. Katwiran niya, hindi bobo si Gil, tamad lang daw mag-aral kaya bumagsak.

Noong nasa elementary na si Gil ay okey lang itong mag-absent. Napahagalpak ng tawa si Sol sa katwiran ng anak na kaya ayaw niyang pumasok ay dahil pangit ang teacher nito.

Minsan ay may isang amang galit na galit na sumugod sa kanilang bahay. Halos atakihin sa puso ang ama sa sobrang galit dahil ang kanyang anak na pitong taong gulang, payatot at wala pang 4 feet ang taas ay sinapok ni Gil na noon ay 12 years old malaki ang katawan at 5’4 ang taas.

Sa halip na ihingi ng paumanhin ang anak ay nagbitaw pa ito ng salita sa nagrereklamong ama, “Makulit siguro ang anak mo kaya sinapok. Hindi ‘yan nananakit ng kapwa kung hindi siya ang napo-provoke.”

Noong nasa first year high school na si Gil ay nagpaalam ito kay Sol na pagod na siya sa pag-aaral. Kung maaari ay titigil na muna siya. Pinayagan naman ng ina at katwiran ay mabuti at nagsasabi raw ng totoo kaysa ipapaenrol niya tapos ay magbubulakbol lang. Sayang ang pera. Natutuwa siya at naging matapat ang kanyang anak. Naging permanente na ang pagtigil sa pag-aaral. Napasarap sa ‘bakasyon’ sabi ni Sol na natatawa.

Si Sol ay naging sakitin. Sa bahay lang ito namamalagi. Ang anak niyang si Gil ay naging kargador sa isang grocery sa palengke dahil walang natapos. Minsan ay nasangkot ito sa nakawan sa palengke at nakulong. Hindi makalabas dahil walang pampiyansa. Naging magnanakaw ito dahil walang maipangtustos sa masamang bisyo.

Kung anong kinahalakhak-halakhak niya noon sa mga pa-cute na kapilyuhan ng anak; ngayon naman ay halos maglupasay ito sa kaiiyak dahil hindi niya mailabas sa kulungan ang anak.

MOTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with