Honey na mint flavor, ginawa ng mga pukyutan sa Britain
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

KAKAIBANG pulot (honey) ang na-produce ng mga pukyutan sa Great Britain. May mint flavor ang honey na kanilang ginawa.

Labis ang pagtataka ng bee keeper na si Paul Snowden kung paano nakapag-produce ng honey na may mint flavor ang kanyang mga alaga.

Sinubaybayan ni Snowden ang kanyang mga pukyutan. Hanggang sa matuklasan niya na nagtutungo pala ang mga ito sa SugarRick plant na nagre-recycles ng confectionery waste o mga patapong kendi.

Natuklasan ni Snowden na halos araw-araw ay sa planta nagtutungo ang mga pukyutan at sinisipsip ang wastes ng mga kendi na ang flavor ay mint.

Ayon kay Snowden, masarap naman ang lasa ng honey na may mint flavour at maaaring marami ang makagusto nito.
Hindi naman sinabi sa report kung maari nilang ibenta at i-consume ng publiko ang honey na may mint.

 

BRITAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with