Pulitiko, kinagatan ang hilaw na isda upang maisalba ang fishing industry sa Sri Lanka

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

ISANG pulitiko sa Sri Lanka ang kinagatan ang hawak niyang hilaw na isda upang maisalba ang nalulu-ging fishing industry doon.

Nagdaos ng isang news conference ang mambabatas at dating ministro para sa pangingisda na si Dilip Wedaarachchi ukol sa pagkalugi ng industriya ng pangi­ngisda na dulot COVID-19 pandemic.

Ayon kay Wedaarachchi, lubos na naapatektuhan ang bentahan ng isda nang ma-trace ang coronavirus outbreak mula sa central fish market ng capital ng Sri Lanka na Colombo.

Para maipakita na ligtas mula sa coronavirus ang mga isda na nanggaling mula sa nasabing pamilihan ay nagdala si Wedaarachchi ng isang hilaw na isda sa news conference.

Matapos magsumamo sa publiko na huwag matakot sa pagkain na isda ay kinagatan ni Wedaarachchi ang hawak na hilaw na isda.

Nasa 17,831 na kaso ng COVID-19 ang naitatala na sa Sri Lanka at sinasabing ilang libo sa mga ito ang nakuha mula sa pinakama-laking fish market doon.

 

SRI LANKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with