Bulalakaw na nag-landing sa bahay ng Indonesian, $1.85-m ang halaga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 20, 2020 - 12:00am

INSTANT milyonaryo ang isang lalaki sa Indonesia matapos maglanding sa tahanan niya ang isang bulalakaw, na tinatayang $1.85 million (katumbas ng P90 milyon) ang halaga.

Nasa labas ng kanyang bahay sa Sumatra ang 33-anyos na si Josua Hutagalung nang bigla na lang bumagsak sa bubong ng kanyang bahay ang isang bulalakaw.

Mainit-init pa raw ang bulalakaw nang damputin niya ito, ayon kay Hutagalung.

Isa palang tipak ng CM1/2 carbonaceous chondrite ang nahulog sa bahay ni Hutagalung.

Isa itong pambihirang klase ng bulalakaw kaya naman nang kumalat ang balita ay napukaw kaagad ang pansin ng mga eksperto sa bulalakaw, kabilang na ang U.S. expert na si Jared Collins.

Tinatayang may halagang $1,858,556 ang bulalakaw, na ibinenta rin kaagad ni Collins sa isang kolektor matapos niya itong bilhin mula kay Hutagalung.

Hindi na sinabi ni Hutagalung kung magkano ang kinita niya mula sa bula-lakaw ngunit kinumpirma niyang higit ito sa $1 milyon.

Ilalaan daw niya ang halaga para sa kanyang pamilya.

 

INDONESIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with