^

Maple syrup

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 19, 2020 - 12:00am

MAY isang babae na naninirahan sa Canada. Mahirap lang ang buhay ng kanyang mga kapatid dito sa Pilipinas kaya siya ang nagpapaaral sa mga pamangkin. Alam naman ng kanyang ka-live in ang pagtulong na ginagawa ni Misis. Hindi lamang pagtulong ang ginagawa nito sa kanyang mga kapatid kundi ini-spoil niya ang mga ito. Bukod sa pagbibigay ng tuition sa apat na pamangking nasa kolehiyo, sinasagot din niya ang allowance ng mga ito. Sa loob ng isang taon ay nakakaanim na beses siyang magpadala ng packages — 2 to 3 balikbayan boxes kada padala.

Plano sana nilang magbakasyon sa Italy pero hindi natuloy dahil ang savings nila para dito ay ipinadala ni Misis  sa mga kapatid na nagkasabay-sabay na natanggal sa trabaho. Naipadala pati ang pera ni Mister. Magkaganoon pa man, sige pa rin ng pagpapasensiya si Mister. Pero ang nagpasabog sa natitirang pasensiya  ay noong humingi ito ng maple syrup kay Misis isang umagang nag-aalmusal sila ng pancake.

“Ubos na ang maple syrup natin.”

“Di ba kabibili ko lang noong isang araw? ‘Yun ang inaasahan ko kaya pancake ang ipinaluto ko sa iyo.”

“Sorry, idinagdag ko sa balikbayan box na ipinadala ko kahapon sa Pilipinas.”

Walang sabi-sabi na umalis si Mister sa bahay. Hindi na tinapos ang pagkain. Iyon ang simula ng pangtitikis niya sa kanyang asawa. Umuuwi siya ng bahay pero ginawa niyang invisible si Misis. Hindi niya ito iniimikan at pinapansin. Hanggang isang araw ay lumayas na ito nang tuluyan sa bahay at nangupahan na lang sa isang maliit na kuwarto.

Matagal na palang may communication si Mister sa dating girlfriend na nasa Spain sa pamamagitan ng Facebook. Tinotoo nito ang biro sa dating girlfriend na biyuda at mayaman na magbalikan sila. Ang namatay na mister ng ex-girlfriend ay Spanish na may pabrika ng hamon at ibang processed meat. Sa kanya ipinamana ang kompanya at magarang bahay nito.

Nang pumayag ang girlfriend na magbalikan sila, agad itong lumipad sa Spain. Nagkabalikan sila dahil nagsinungaling si Mister na matagal na silang hiwalay ng kanyang misis. Ngayon ay magkapiling na sila sa Spain. Si Misis naman ay may bago na rin ka-live in. Maple syrup ang naging “gatilyo” upang sumabog ang pasensiya ni Mister kay Misis. Nakakalungkot.

 

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with