Mga wolf na robot, gamit sa Japan laban sa mga oso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 17, 2020 - 12:00am

ISANG bayan sa Japan ang may kakaibang pangontra sa mga mababangis na oso sa kanilang lugar.

Bumili kasi ang mga lokal na opisyal ng Takikawa, Hokkaido ng dalawang robot na wolf o lobo upang itaboy ang mga mababangis na osong napapadalas ang paggala sa isang residential area roon.

Gawa ang robot wolves sa metal na binalutan ng synthetic na balahibo upang magmukhang makatotohanan ito para sa ibang hayop.

May motion detector ang mga robot kaya kapag may gumagalaw sa tabi nito ay bigla na lang iilaw ang mga pulang mata nito at magpapakawala nang malakas na tunog.

Inilagay ng mga opisyal ang mga robot na lobo upang iparating sa mga oso na hindi sila dapat pumunta sa mga lugar ng tao.

Epektibo naman daw ang mga robot dahil simula nang gamitin ang mga ito ay wala pang napapabalitang oso na gumagala sa kanilang lugar, ayon sa mga opis­yal sa Takikawa.

JAPAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with