^

Punto Mo

Halaga ng bigas

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NGAYONG Nobyembre ang tinataguriang Buwan ng Bigas. Alinsunod ito sa Proclamation No. 524 na nilagdaan ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo noong Enero 5, 2004 na nagdedeklara sa Nobyembre bilang National Rice Awareness Month. Idinidiin dito ang pagpapahalaga sa bigas bilang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Pagkain na hindi nawawala sa hapag-kainan – mapa-almusal man, tanghalian o hapunan. Ginagawa rin itong meryenda. Sa kanin nga gawa ang mga kakaning tulad ng suman at puto. Kanin din ang pangunahing laman ng champorado, lugaw at arrozcaldo.

Mabigat sa tiyan ang kanin. Nakakabusog nga naman kahit walang gaanong ulam.  Hindi nga lang mainam sa kalusugan kung puro kanin lang ang kakainin at kakain ka nito ng napakarami dahil sa taglay nitong asukal na sinasabing isa sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes at nakakapagpataba na maaaring magdulot ng sakit sa puso.

Kaya nga inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan na kumain lang ng katamtamang kanin o isang tasa lamang nito bawat kainan. Maging ang brown rice na sinasabing mas masustansiya ay dapat kainin nang katamtaman lang o kaya isang tasa dahil may taglay pa rin itong asukal bagaman kokonti lang ito kumpara sa puting kanin.

Ang paggunita sa Nobyembre bilang Buwan ng Bigas ay isa ring tagapagpaalala na hindi dapat magsayang ng kanin. Kumain lang nito nang kayang kainin. Bukod pa siyempre sa marami ang nagugutom na tao kaya hindi dapat mag-sayang  ng kanin, isa rin itong  pagpapahalaga sa mga hirap, sakripisyo at pagsisikap ng mga magsasaka na makapaghatid ng bigas sa bawat tahanang Pilipino araw-araw.

Gayunman, bukod sa laman sa tiyan ang kanin, marami pang ibang pakinabang sa bigas. Halimbawa, matagal nang batid ng marami na nakakatulong ang bigas para maisalba hangga’t maaari ang isang  cell phone na nabasa at nasira. Ibababad lang nang ilang araw sa isang garapon o planggana  ng bigas ang cell phone na nahulog sa timba ng tubig halimbawa para muli itong mabuhay.

Nagagamit din ang bigas sa paglilinis ng mga mantsa at iba pang dumi sa loob ng mga vases at bote na hindi kayang abutin ng daliri o kamay, ayon sa ilang maalam. Para luminis at luminaw muli ang bote, magsalin dito ng dalawang kutsarang bigas at mainit na tubig at iwanan itong nakababad nang 15 minuto. Pagkatapos, takpan at alugin nang mabuti at banlawan ng tubig.  Nakakatulong ang bigas sa pagtanggal ng dumi.

Puwede namang pandikit ang kanin. Nagagamit itong pandikit sa papel o kaya sa takip ng sobre. Karaniwan nang may mga nagdidikit ng selyo sa sobre sa pamamagitan ng ilang butil ng kanin.

Mabilis ding makapagpahinog ng prutas ang bigas. Isilid ang hilaw na prutas sa kalahating tasa ng bigas sa isang paper bag. Sa paghigop sa moisture, tumutulong ang bigas na mapabilis ang proseso ng paghinog ng prutas.

Bukod diyan, kung nag-aalaga ka ng mga manok, isa sa mainam ipakain sa mga ito ang bigas, luto man o hilaw. Ganito rin sa mga ibon na nagiging problema naman sa mga magsasaka dahil kinakain ng mga ito ang kanilang mga tanim na palay.

Kaya, sa dami ng pakinabang ng tao sa bigas, karapatdapat lang talaga na magkaroon ng buwan ng paggunita sa kahalagahan ng pagkaing ito.

Email: [email protected]

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with