Mayor sa Japan, biglang sumikat dahil sa pangalan niyang Jo Baiden’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 14, 2020 - 12:00am

BIGLANG sumikat ang isang mayor sa Japan matapos ang pagkapanalo ni U.S. President-elect Joe Biden.

Base kasi sa sistema ng pagsulat ng mga Japanese ay maaring basahin ang pangalan ng 73-anyos na mayor ng Yamato na si Yutaka Umeda bilang ‘‘Jo Baiden’’.

Iba’t iba kasi ang maaring pagbigkas sa bawat karakter na Kanji. Maari tuloy basahin ang “ume” at “da” sa pangalan ni Umeda bilang “bai” at “den” samantalang ang karakter para sa kanyang pangalang Yutaka ay maari ring basahin bilang “jo.”

Dahil dito ay inulan daw ng mga mensahe ang email ni Yutaka, na ngayon ay nag-iisip na ng paraan kung paano niya magagamit ang bigla niyang pagsikat upang ma-promote ang bayang kanyang pinamumunuan.

Maihahalintulad ang pagkakapareho ng pangalan ni Biden at Yutaka sa nangyari noong 2008 nang biglang makilala rin ang bayan ng Obama sa Japan matapos manalo sa pagka-presidente si Barack Obama.

PRESIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with