Lalaki sa Nigeria, nagbenta ng litsong buwitre, inaresto!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 13, 2020 - 12:00am

PABORITO sa Nigeria ang litsong manok na tinatawag nilang suya.

Dahil mabenta ang suya, maraming tao roon ang nagnegosyo ng litsong manok. Bawat kanto ng kal­sada ay may nagtitinda ng suya. Malakas itong pag­­kakitaan.

Pero may kakaibang naisip ang isang lalaki na taga-Onne, Port Harcourt. Sa halip na manok, litsong buwitre ang kanyang itininda.

Nambitag siya ng buwitre. Maraming buwitre sa kanilang lugar.

Pero sa kasamaang palad, nahuli siya ng mga residente habang kinukuha ang nabitag niyang mga buwitre. Mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng mga buwitre roon dahil endangered na ang mga ito..

Tumawag ng pulis ang mga residente at dinala ito sa presinto. Nang tanungin ang lalaki, sinabi nitong ga­gamitin niya ang mga buwitre sa kanyang suya business.

Matagal na umano niyang ginagawa ang ganoon at wala namang nakapupuna sa litsong buwitre. Ayon sa lalaki, nasisiyahan pa umano ang mga customer niya.

Nahaharap sa kaso ang lalaki dahil sa paghuli sa mga buwitre.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga residente na maging mapanuri at baka ang suya na kanilang binili ay hindi manok kundi buwitre.

NIGERIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with