Pusang ‘smuggler’ ng droga, nakatakas sa kulungan sa Sri Lanka

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 11, 2020 - 12:00am

ISANG pusa na naka-detain sa pinakamalaking kulungan sa Colombo, Sri Lanka ang nakatakas matapos mahuling nagpupuslit ng droga at cell phone SIM cards.

Nahuli ang pusa ng mga intelligence officials noong Sabado sa high-security na Welikada Prison.

Sa loob ng maliit na plastic bag na nakatali sa leeg ng pusa ay natagpuan ang dalawang gramo ng heroin, dalawang SIM cards at isang memory chip.

Hindi naman nagtagal ang pagkaka-detine sa pusa dahil noong sumunod na araw ay nakawala kaagad ito mula sa kulungan.

Tila nagiging uso na sa Colombo ang paggamit sa mga hayop para sa krimen. Noong nakaraang linggo, nahuli ng mga pulis ang isang agila na ginagamit na courier para sa distribusyon ng droga.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with