Online sabong sa Royce Hotel sa Clark Freeport!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - November 9, 2020 - 12:00am

MAY katuwiran din palang suwayin ng management ng mga online sabong ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ‘wag muna silang magbukas dahil sa pandemya dahil malaki na ang inilabas nilang pitsa. Sinabi ng mga kosa ko na ang bond na ibinayad ng online sabong para sa kanilang prangkisa sa opisina ni Philippine Amusement and Gaming Amusement (PAGCOR) chairwoman Andrea Domingo ay tuma­taginting na P500 milyon.

Kapag hindi nag-operate ang online sabong ang ibig sabihin natutulog lang ang investment nila, ‘di ba mga kosa. Kaya lang sa patuloy nilang operation, nagmukhang tanga ang IATF, PAGCOR, GAB ni Abraham Mitra, PNP, NBI, gobernador, mayor, barangay chairman at mga tanod. Kung sabagay, ang P500 milyon ay bond lang at makukuha pa ito ng management ng online sabong at ang gobyerno ni President Digong ay nganga rito, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kaya dapat hindi lang kapulisan ang dapat sisihin dito sa patuloy na pambababoy ng online sabong sa gobyerno ni President Digong kundi maging ang PAGCOR din dahil nag-iisyu sila ng prangkisa kahit alam nilang bawal pa ang palaro na ito.

Ang isang halimbawa lang ay ang pagbukas ng online sabong na “Sabong Express” noong Nobyembre 5 kung saan inabot sa mahigit 230 ang sultada. Dahil inaugural derby ito, ang pot money sa 6-cock derby ay P55,000 samantalang ang minimum bet ay P33,000. Sinabi ng mga kosa ko na ang «derby» ay ginanap sa function room ng Royce Hotel sa Clark Freeport na pag-aari ng pamilya ni Pampanga Gov. Dennis Pineda.

May role kaya si manager Bong Pineda sa «Sabong Express»? Pag nagkataon, mahigpit silang magkaribal ng Pitmaster na negosyanteng Atong Ang, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Magaling talaga sa negosyo sina Pineda at Ang.

Paano naman hindi magaganyak pasukin ng mga maykayang Pinoy ang online sabong eh sobrang laki ng kita at higit sa lahat ay walang binabayarang tax. Hindi lang naman mga Pinoy ang mananaya dahil pati sa abroad ay inaabot ng live streaming nila?

Halimbawa, kada sultada ang winning cock ay babawasan ng 10 percent sa taya at 40 porsiyento nito ay mapupunta bilang pot money. Kikita ang LGU dahil ang 10 percent na amusement tax ay mapupunta sa kanila samantalang P100 naman per sultada ang sa barangay.

Kung bawat sultada ay may taya na mahigit P1 milyon, aba P100,000 ang babawasin dito bilang kita ng management ng online sabong. Eh kung ang inaugural derby ng «Sabong Express» ay lumampas ng 230 sultada at ang taya ay humigit sa milyon, di ang laki ng iniakyat na pitsa sa management samantalang BOKYA ang gobyerno ni Pres. Digong dahil walang tax ito. Araguuyyyy! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Kung nakaligtas ang inaugural derby ng «Sabong Express» kay Central Luzon police director Brig. Gen. Val de Leon ‘yun ay dahil abala pa siya sa pag-courtesy call sa mga pulitiko at negosyante sa sakop niya. Subalit sa araw na ito ay may pa-derby uli sa Royce Hotel at wala nang dahilan para hindi ito ma-raid ni De Leon, di ba mga kosa? Ang iskedyul pa ng derby sa hotel ay sa Nobyembre 13, 16, 20, 23, 27 at 30, at sa Disyembre 4, 7, 11, 14, 18 at 28. Monitorin po natin ang aksiyon ni Gen. De Leon dito. Abangan

 

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with