Martial artist, nag-ping pong habang tsako ang gamit na raketa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 9, 2020 - 12:00am

ISANG Chinese martial artist ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang gamitin niyang raketa ang kanyang tsako upang ipamalo sa ping pong ball ng 34 beses sa loob ng isang minuto.

Dati nang ginamit ni Xie Desheng ang kanyang tsako para makapagtala ng world records katulad ng pagsisindi ng posporo, pagpatay ng kandila, at pag-alis ng takip ng bote.

Dati na rin siyang nakapagtala ng table tennis world record gamit ang tsako ngunit ngayon ay nahigitan na niya ang luma niyang record na 32 beses na pagtama sa ping pong ball sa pinakahuli niyang exhibition na isinagawa sa Jinan, Shandong.

Nagtuturo si Xie sa paggamit ng tsako at ilang awards na rin ang kanyang natanggap bilang martial artist.

MARTIAL ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with