^

Punto Mo

Maraming Kano iritado sa election sa US of A

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MAIINIT ang ulo at tarantado este mali iritado pala ang dalawang kumakandidato sa pagka-pangulo ng US of A na sina President Donald Trump at ang kalaban nitong si Democrat Joe Biden kasi dikdikan ang bakbakan at ngayon ay natigil pa ang counting of ballots?

Naku ha!

Ano ba ito?

May mga nagsasabing si Biden ang malamang manalo pero may mga humihirit na tatalunin ni Trump ang kalaban niya oras na pumasok at nabilang ang lahat ng boto sa US of A.

Sabi nga, may mga states sa US ang pumabor kay Biden pero may mga pumabor din kay Trump tulad sa Texas.

“Gusto nilang nakawin ang election mukhang garapalan daw ang dayaan?” Ito ang birada ni Trump.

Ayon sa mga tsismoso sa US of A na kumakampi kay Trump malabong lumabas ang katotohanan na balita para sa US Prez dahil maraming mga milyonaryong may-ari ng mga malalaking media outlet ang galit kay Donald.

Sabi nga, mga negative ibinabato kay Trump?

May nagsabing nagkaroon ng gulo sa may Washington sa pagitan ng mga supporters ng dalawang panig.

Sabi nga, nagkaroon ng saksakan at ang mga nadale ay ang mga Trump supporters pero hindi umano ito lumabas sa mga balita?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang lahat ng madlang people sa buong mundo ay nakatunganga sa magiging resulta ng election sa US of A.

Nagtataka ang karamihan kung bakit nahinto ang bilangan porke ngayon daw lamang ito nangyari sa election.

Sabi nga, kasaysayan.  

May mga nagsasabing ang Democrats ay gumagamit ng “iligal na mga boto” upang nakawin ang halalan sa grupo ni Trump.

“Kung bibilangin mo ang mga ligal na boto, madali akong mananalo,” inaangkin niya. “Sinusubukan nilang gumawa ng halalan. At hindi natin hahayaan na mangyari iyon.”

Higit pa sa retorika, ang mga reklamo ni Trump ay partikular na na-target ang integridad ng napakaraming mga balota na na-mail, sa halip na ihatid nang personal sa araw ng halalan.

Ang malaking paglilipat sa mga balota sa postal sa taong ito ay sumasalamin sa pagnanais ng mga botante na iwasang mapanganib ang pagkakalantad sa COVID-19 sa masikip na mga istasyon ng botohan sa panahon ng isang pandemik na pumatay na sa higit sa 230,000 Kano.

Mag-antay-antay pa ang madlang people sa buong mundo para malaman kung sino ang nanalong Prez ngayong election sa US of A. Abangan.

vuukle comment

US ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with