^

2 Pinoy, bagong milyonaryo!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - November 2, 2020 - 12:00am

MARAMING Pinoy ang minalas matapos bayuhin ng magkasunod na bagyo ang Pinas subalit may dalawang nilalang naman na sobrang buwenas. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang dalawang nanalo ng milyones sa Grand Lotto 6/55 at Regular Lotto 6/42 draws nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma na ang nanalo ng Grand Lotto draw ay taga-Talisay City na nahulaan ang numerong 18-52-17-02-54-55. Ang premyo ay umabot sa P35,543,079.20. Anim na bettors naman ang nanalo ng tig-P100,000 matapos mahulaan ang limang numero, 205 ang nakahula ng apat na numero at nanalo ng tig-P1,500 at 4,885 ang nakahula ng tatlong numero na may premyo naman na tig-P60 kada isa. Ang Grand Lotto draw ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, ani Garma.

Ang nanalo naman ng P48,709,689.40 sa Lotto draw ay taga-Ormoc City sa Leyte ay ‘yaong nakahula ng numerong 26-27-40-21-01-41. Umabot naman sa 21 bettors ang nakahula ng limang numero kaya’t tatanggap sila ng tig-P24,000. Ang Regular Lotto 6/42 draw ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Para makuha ang kanilang milyones, ang gagawin lang ng nanalo ay magpakita sa PCSO main office sa Mandaluyong City para mag-claim nito. Magdala lang ng dalawang ID cards, ani Garma. Hak hak hak!

Hindi napigilan ng Bagyong Quinta at Rolly, ang pinakamalakas sa taon na ito sa buong mundo, ang dalawang Pinoy na maging milyonaryo, no mga kosa? Tumpak!

At dahil sa sobrang lakas nga ni Bagyong Rolly, minabuti ni Garma na ipagpaliban muna ang lotto draw kahapon at ngayong araw sa mga apektadong lugar. Subalit ipinaliwanag ni Garma na ang maapektuhan lang ng temporary suspension ay ang mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly at sa ibang parte ng bansa na hindi binagyo ay tuloy ang bentahan ng tiket. Tinitiyak kasi ni Garma na dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin, mahihirapan ding lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga Pinoy para tumaya sa mga gaming products ng PCSO. Get’s n’yo mga kosa?

Para hindi din masayang ang dalawang araw, gagamitin ng liderato ni Garma ang mga ito para magsagawa ng system check at iba pang administrative activities ng PCSO. Babalik ang operation ng Lotto sa mga lugar na tinamaan ng bagyo sa Nobyembre 3. Hayan! Konting tiis lang at babalik na bukas ang kinagiliwan n’yong dibersiyon, mga kosa!

Nanawagan naman si Garma sa mga Pinoy na tangkilikin ang mga gaming products ng PCSO para makakalap sila ng pondo at nang sa gayon ay maasistihan ang mga mahihirap nating kababayan. Kung sabagay, bilyones ang inilabas ng PCSO para tulungan ang mga Pinoy na tinamaan ng sakit na COVID-19 at tiyak tutulungan din nila ang mga nasalanta ng mga bagyo, lalo na sa Bicol region. Basta kailangan ng tulong, go lang si Garma, di ba mga kosa? Abangan!

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with