EDITORYAL - Unahin ng DOJ ang Immigration
EDITORYAL - Unahin ng DOJ ang Immigration
(Pang-masa) - November 1, 2020 - 12:00am

ISANG mega task force ang ipinahahanda ni President Duterte kay Justice Sec. Menardo Guevarra na mag-iimbestiga sa mga corrupt na opisyal at personnel sa pamahalaan. Gusto ng Presidente na buong gobyerno ay maimbestigahan sa katiwalian. Wala raw exceptions, lahat ay hahalukayin sa corruption. Bago raw bumaba sa puwesto ang Presidente sa 2022 ay malinis na ang gobyerno sa katiwalian.

Talamak ang corruption sa mga tanggapan ng pamahalaan. Mas mabuti kung uunahin ng DOJ ang Bureau of Immigration. Talamak ang korapsiyon sa Immigration at dapat na itong maputol. Nagsasagawa ng inquiry ang Senado ukol sa “pastillas” scheme. Umaabot na sa P40 bilyon ang naibubulsa ng mga korap sa Immigration mula pa 2017. Bukod pa rito ang Visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa.

Sa ilalim ng ‘‘pastillas’’ scheme, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Ipinaliwanag ni Sen. Risa Hontiveros na sa ilalim ng “pastillas”, ang pera ay pumapasok sa airport saka ibi­nibigay sa immigration officers habang sa VUA transactions naman ay diretsong napupunta ang suhol na pera sa main office kung saan inaaprubahan ang mga visa.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ng whistle blower na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Nangyayari umano ang “pastillas” modus sa NAIA Terminal 1 at 3.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pampasalubong na “pastillas.

Labingsiyam na BI officials ang sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation noong nakaraang buwan pero sabi ng whistleblower wala sa mga ito ang “malalaking isda” na sangkot sa “pastillas” scheme.

Talamak ang korapsiyon sa Immigration at marami ang matutuwa kung ito ang unang sasampolan ng mega task force ni Secretary Guevarra. Maraming “malalaking isda” ang sangkot na hanggang ngayon ay hindi pa nakakasuhan. Hindi dapat makaalpas ang mga “malalaking isda” sa lambat ni Guevarra.

 

DOJ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with