^

Punto Mo

Ang magnanakaw

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG panahon ng tag-ulan, nawalan ng payong ang isang lalaki. Kaya nang magsimba siya kinalingguhan at malakas ang ulan, wala siyang magamit na payong. Pagda-ting niya sa simbahan ay napansin niyang tambak ang payong na nasa entrance ng simbahan. Plano niya magnakaw din ng isang magandang payong paglabas niya para kahit paano ay magkaroon ng kapalit ang payong na nawala sa kanya.

Nagkataon na ang sermon sa misa ay tungkol sa 10 Commandments. Nang matapos ang misa at palabas na ang lalaki ay nakasabay nito sa paglalakad ang pari. Nakipagtsikahan ang lalaki sa pari na dati na niyang kakilala.

“Father, mabuti na lang at hindi ko naituloy ang planong pagnanakaw ng payong paglabas ko ngayon sa simbahan.”

“Ha? Bakit?”

“Nawalan kasi ako ng payong kahapon at plano kong nakawin ang isang payong sa entrance para maging kapalit ng nawala.”

Napatawa ang pari. “Bakit hindi mo itinuloy ang maitim mong plano?”

“Nagbago ang isip ko, Father dahil sa sinabi mo sa sermon.”

“Anong bahagi ng sermon ang nagpabago ng iyong desisyon na huwag nang magnakaw ng payong?”

“ Nang banggitin ninyo ang commandment na Thou shalt not covet thy neighbor’s wife.”

“Anong kinalaman noon sa payong mong nawawala?”

“ Naalaala kong hindi pala ninakaw ang aking payong, kundi naiwan ko sa bahay ng…kuwan…ehem…ng isa kong neighbor. ”

vuukle comment

THIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with