Chinese painter, dila ang ginagamit sa pagpipinta sa halip na brush
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 1, 2020 - 12:00am

KAKAIBA ang ginagawa ng isang 35-anyos na painter sa China.

Sa halip kasi na brush, ang kanyang dila ang gamit ni Han Xiaoming sa pagpipinta ng kanyang mga obra.

Nagsimulang magpinta si Han gamit ang kanyang dila nang sinubukan niya ang tradisyunal na paraan ng pagpipinta ng mga Chinese na gumagamit ng tinunaw na asukal bilang pintura.

Minsan ay inabot si Han ng gutom habang nagpipinta    kaya tinikman niya ang gamit niyang tinunaw na asukal.

Nagustuhan niya ang lasa at noon niya naisipang tigilan na ang paggamit ng paintbrush at sa halip ay gamitin na lang ang kanyang dila sa pagpipinta.

Ayon kay Han, epektibo ang dila sa paglikha ng mga larawan. Nagkakaroon daw kasi siya ng mas malalim na koneksyon sa kanyang mga ipinipintang larawan kumpara noong gumagamit pa siya ng paintbrush.

Dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan sa pagpipinta, nakikilala na ngayon si Han sa China.

Naglilibot na siya sa mga bayan-bayan upang ipakita sa publiko ang kanyang proseso sa pagpinta gamit ang dila. Mabilis din niyang natatapos ang mga larawang ipinipinta gamit ang kanyang dila.

Wala pang isang oras ay na­kakabuo na siya ng ilang lara­wan na mabilis din niyang naibebenta sa dami ng gustong bumili ng mga ito.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with