EDITORYAL - Paghandaan ang parating na bagyo
EDITORYAL - Paghandaan ang parating na bagyo
(Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

MARAMING nasorpresa sa lakas ng Bagyong Quinta na puminsala sa maraming ari-arian, pananim at nagwasak sa maraming bahay sa Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental at Occidental Mindoro at Batangas. Nag-iwan ng P706 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang bagyong Quinta. Ayon sa report, P2.1-B ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Quinta sa sektor ng agrikultura sa Oriental Mindoro. Siyam ang naiulat na namatay na pawang nabagsakan ng mga natumbang puno at ang ilan ay nalunod.

Hindi inaasahan ng mga taga-Oriental Mindoro na ganun kalakas ang hangin na taglay ng Bagyong Quinta. Mas malakas pa umano sa Bagyong Tisoy na nanalasa rin sa Mindoro provinces noong Disyembre 2019. Ayon sa mga residente ng Calapan at Naujan, Oriental Mindoro, hindi sila nabigyan nang tamang impormasyon sa lakas ng hangin na taglay ng bagyo. Halos anim na oras binayo ni Quinta ang Mindoro. Maraming inilikas lalo ang nasa mga baybaying dagat. Marami ang hindi nakapaghanda at kung kailan sumisipol na ang hangin saka lamang kumilos para lisanin ang kanilang mga bahay.

Halos ganyan din ang nangyari sa Quezon na mara-ming tao ang hindi nakapaghanda sa pagdating ni Quinta. Nang magsimulang humangin at lumakas ang ulan saka lamang kumilos. Ang iba ay hindi na nakapagdala ng mga damit at iba pang gamit dahil sa madaliang paglikas.

Marami ang nagkaroon ng leksiyon sa Bagyong Quinta. Dapat maging preparado. Malayo pa ang bagyo, dapat nang ihanda ang mga gamit at siguru-hing kumpleto ito kapag pinalikas ng mga awtoridad.

Ngayong papalapit na ang Bagyong Rolly na sinasabing mas malakas kaysa kay Quinta, dapat maging handa ang mga residente sa lugar na tatahakin ng bagyo. Ayon sa PAGASA ang tinatahak ni Rolly ay katulad din nang nagdaang bagyong Quinta. Batay sa forecast ng PAGASA, tutumbukin ng bagyo ang Bicol Region at Eastern Visayas at mararamdaman ang pagtama sa Linggo.

Mayroon nang leksiyon sa humagupit na Bag­-yong Quinta. Paghandaan si Rolly habang maaga pa. Huwag hayaang mangyari na kung kailan nandiyan na ang bagyo saka lamang magku­kumahog sa pagha-handa para lumikas.

BAGYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with