Kung nais mong matandaan ka…
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - October 31, 2020 - 12:00am

1. Magbigay ng kahit isang pangalan na kabilang sa top ten ng Bar Exam noong 2012?

2. Magbigay ng isang pangalan na ginawaran ng TOYM (The Outstanding Young Men) noong 2008?

Di ba ang hirap nang maalala unless immediate family mo ay kabilang sa aking dalawang katanungan. Matagal na kasing nangyari. Kung tutuusin, nakabandera noon ang kanilang mga pangalan at litrato sa diyaryo. Pero ngayong 2020 mahirap na silang maalala. Nagpapatunay lang na ang achievement ng isang tao ay iyon lang mismong may katawan ang nakakaalala. Pagkatapos mabasa ng mga tao ang kanyang achievement sa diyaryo ay nakakalimutan rin ang kanilang pangalan at ang kanilang napagwagian.

Ngayon, ito naman ang iyong sagutan:

1. Isipin mo kung sino-sino ang mga guro na naging mabuti sa iyo kahit average student ka lang at hindi sipsip sa kanya.

2. Sino ang unang employer na nagbigay sa iyo ng malaking suweldo dahil bilib siya sa iyo?

3. Sino ang mga taong napakabait sa iyo noong mayaman ka at hindi nagbago ang kabaitan kahit naghihirap ka na?

Di ba mabilis lang sagutin ang tanong kahit pa ilang dekada na ang nakalipas? Mahirap kalimutan ang mga taong nagbigay ng pagpapahalaga sa iyo. Ang mga taong iyon ay hindi naging awardee, o naging top one sa kahit anong eksaminasyon.

Hindi mo na kailangang maging achiever para matandaan ng ibang tao ang iyong pangalan. Maging mabait ka lang, maunawain at mapagbigay, sapat na iyon para tumatak ang iyong pangalan sa kanilang puso’t isipan.

“When we feel love and kindness toward others, it not only makes others feel loved and cared for, but it helps us also to develop inner happiness and peace.” – The Dalai Lama

BAR EXAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with