^

Punto Mo

Mga Pinoy, bawal na sa sementeryo! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SA mga pasaway at matitigas ang ulo na mga Pinoy, sisiguraduhin ng kapulisan na hindi n’yo sila malusutan para makapasok kayo sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium sa pagselebra ng All Saints Day at All Souls Day. Simula kahapon hanggang Nob. 4, magde-deploy ng kabuuang 15,629 na unipormadong pulis sa mga naturang mga lugar para panatilihin ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na walang makadadalaw sa kanilang lumisan na mahal sa buhay para maiwasang kumalat ang COVID-19. Nagtalaga rin ng 2,967 police assistance desks (PADs) samantalang 26,478 na mga force umltipliers, tulad ng mga kagawad at tanod at mga security guards, ang tutulong sa mga pulis para panatilihin ang kaayusan sa bansa sa Nob. 1 at Nob. 2. Sinabi ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force COVID Shield, na noong nakaraang buwan pa ay may kautusan na ang IATF at mayors ng Metro Manila na isara ang mga sementeryo, columbarium at memorial parks sa pangambang dumugin ng mga Pinoy ang mga naturang mga lugar at lalong dumami ang dadapuan ng virus. Araguuyyyy! Hak hak hak! Alam naman natin mga kosa na kahit sarado nga ang mga sementeryo, aba may mga Pinoy talagang magpumilit na dalawin ang mga nakalibing nilang kamag-anak!

Kung sabagay, kinaugalian na ng mga Pinoy na lumusob sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium tuwing All Saints at All Souls Day. Sa totoo lang, milyong Pinoy ang gumugunita ng okasyon na ito at siyempre maraming problema ang iniwan nito, tulad ng nagkalat na basura at minsan may barilan pa dahil lang sa parking space.

Kaya sa panahon ng pandemya, mabubura ang mga problemang ito dahil ang lahat ng lagusan ng sementeryo, memorial parks at columbarium ay babantayan ng kapulisan para walang makapuslit, ani Eleazar. Kaya ang panawagan ni Eleazar sa mga Pinoy ay magsindi na lang ng kandila sa kani-kanilang bahay at ipagdasal ang mga kaluluwa ng pumanaw nilang mga kamag-anak.

Gayunpaman, dapat huwag iwan ang mga nakasinding kandila at baka mag-umpisa pa ito ng sunog. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kayod marino talaga ang mga kapulisan mula Okt. 29 hanggang Nob. 4 para siguraduhin ang kaligtasan ng publiko, no mga kosa? Tumpak!

Maaring bawal pumasok sa sementeryo sa naturang mga araw subalit ipinaliwanag ni Eleazar na papayagan nila ang paglibing sa mga patay kaya lang dapat sumunod ang mga nakikipaglibing na mga kamag-anak sa guidelines ng IATF.

Nananawagan si Eleazar sa mga Pinoy na ‘wag nang makipag-debate sa mga pulis o magpumilit pumasok sa mga sementeryo dahil walang palakasan dito. Ayon kay Eleazar, puwede namang dumalaw ang mga Pinoy sa puntod ng mga namatay nilang kamag-anak sa Nob. 5 hanggang Nob. 15 at wala nang makakapigil sa kanila rito.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Eleazar ang mga Metro Manilans na gustong umuwi sa probinsya dahil sa long weekend na mag-coordinate muna sa kanilang LGUs para sa travel health protocols nang sa gayun ay maiwasan nila ang mga hassle sa mga quarantine checkpoints. Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with