Hindi ako susuko (23)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

“HANGA talaga ako sa’yo kung paano mo nagawa ito, Reagan,” sabi pa ni Sir Abe habang hawak ang portrait. “Sa sobrang husay nang pagkakagawa mo e hindi malaman kung alin ang original, ha-ha-ha! Husay mo talaga, Reagan.’’

“Pinagbutihan ko po talaga Sir Abe. Kasi po naniniwala ako na dapat sa lahat nang gagawin e dapat paghusayan na. Sa umpisa pa lang buhusan na ng husay para magustuhan ng sinuman.’’

“Tama ka, Reagan. Lahat nang gagawin ay pagbutihan na. Huwag yung parang ginawa ng paa. Paghusayan para mayroong umulit na magpagawa.”

Napatango si Reagan.

“Siyanga pala, lagdaan mo na itong portrait. Aba pagdating ng araw, bibilhin ito sa malaking halaga dahil sa pirma mo, Reagan.’’

“Sana nga po ay mangyari Sir Abe,’’ sabi at nilagdaan ang wedding portrait.

“Ayan may lagda na. Ang ganda pa ng lagda mo.’’

‘‘Salamat po.’’

“Teka at babayaran kita. Baka malimutan ko e kawawa ka naman.’’

Napangiti si Reagan.

Kumuha ng pera si Sir Abe sa pitaka. One thousand five hundred. Ibinigay kay Reagan.

‘‘Ang laki po nito, Sir Abe !’’

“Tanggapin mo! Talagang galante ako sa mga mahuhusay. Para madali kang makaipon ng pang-tuition.’’

Tinanggap ni Reagan.

“Marami pa akong ipagagawa sa iyo. Family portrait naman.’’

“Sige po.’’

“Gusto ko kasi mapuno ng portrait ang salas. Yan din ang gusto ni Misis nun kaya lang ay hindi na niya inabutan. Sayang!’’

Nakita ni Reagan na nangilid ang luha sa mga mata ni Sir Abe.

Nang ibigay ni Sir Abe ang family picture na gagawin ni Reagan, mayroon pa itong pabaon --- mga ulam – embutido at Sinantomas.

“Para makatikim ang mga magulang mo at kapatid.’’

“Salamat po Sir Abe.’’

Nagpaalam na si Reagan.

Masayang-masaya siya habang naglalakad pauwi. (Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with