^

Punto Mo

Misis, sa mausoleum na tumira para raw lagi niyang kasama ang namatay na mister

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SOBRANG napamahal kay Adriana Villareal ng Buenos Aires Argentina ang kanyang mister na si Sergio Yede. kaya nang mamatay ito at ilibing, sa mausoleum nito siya tumira. Gusto niya ay laging kasama ang namatay na asawa.

Sampung taon nang nakatira sa mausoleum si Adriana at nagtitiis kahit maliit ang espasyo. Ang mausoleum ay nasa San Lazaro cemetery.

Napabalita sa mga pahayagan ang pagtira ni Adriana sa mausoleum. Inamin ni Adriana na gusto niyang makasama sa tuwina ang asawang si Sergio. Nagpakamatay umano si Sergio noong 2010.

Nag-imbestiga ang mga pulis. Tinungo nila ang San Lazaro cemetery para malaman ang katotohanan. At nagulat sila nang makita sa mausoleum si Adriana na naka-pajama pa at halatang bagong gising.

Sinabi ng pulis kay Adriana na nag-iimbestiga siya sapagkat mayroon daw report na may nakatira sa sementeryo at malakas magpatugtog ng radyo. Inamin ni Adriana na siya nga iyon.

Nang inspeksiyunin ng police officer ang mausoleum, nakita niya na ni-renovate ito. Mayroong kama, computer na may internet connection at maliit na kalan.

Ayon kay Adriana, ang perang naipon ng kanyang asawang si Sergio na sana’y ipagpapagawa nila ng bahay ang ginamit niya para sa renovation ng mausoleum.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with