^

Punto Mo

Walang utang, walang reklamo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MERON akong nais bigyang diin hinggil sa nakaraan kong kolum na pagdedeklara ng BITAG ng giyera laban sa mga inirereklamong online lending.

‘Yun ay para sa mga bastos, nanggigipit, nagbabanta at nang-aalipusta na online lending collectors sa kanilang mga kinokolektahan.

Ang pagdedeklara ng BITAG ng giyera ay hindi ibig sabihin na huwag nang magbayad ng utang.

Lilinawin ko, ang utang ay dapat bayaran.

Marami kasi ang nag-aakala na ang deklarasyong ito ng bitag ay para ma-absuwelto na at hindi na magbabayad ng obligasyon iyong mga nangutang.

Sasabihin ko na, kung pu-puwede nga lamang ay huwag nang mangutang lalo na kung alam sa sarili na mahihirapang magbayad.

Sabi nga ng isang Home Credit field collector na nagkumpisal sa BITAG, ang mga kostumer daw kasi ay nakafocus sa pera, gadget o appliances na uutangin at hindi sa presyo at halaga ng magiging interest nito.

Ang siste, mas malaki pa ang uutangin kesa sa sasahurin. At kapag nahirapang magbayad, saka maglalakas loob itong mga putok sa buhong balahura’t bastos na tele-collector ng mga online lending company.

Akala siguro ng mga pendehong ito na gumagamit ng mga screen name o pekeng pangalan ay hindi sila mabubuking sa kanilang mga ginagawang kabalahuraan at kababuyan na pinagsasabi.

Ang punto ko, kami sa bitag ay tagapagtanggol ng mga inapi’t inabuso. Hindi kami tagapagligtas ng may utang. Kapag may utang, dapat magbayad.

Itong mga reklamo laban sa mga baboy na tele-collector, para matigil ay ipasara’t ipagbawal ang kanilang paglipanang parang mga kabute sa mobile apps at internet.

Hindi puwedeng manatili sa mundo itong mga bastos tele-collector na ito kung wala nang mangungutang. Wala nang mababalahura, wala nang mababastos.

Lilinawin ko rin, iba ang mga financing company na nirereklamo tulad ng Home Credit. Ang mga nangutang ay may pinirmahang loan agreement kasama na ang detalye ng interes na babayaran kapag nagmintis.

Huwag na wag tayong malilito rito.

Kaya ang Securities and Exchange Commission at maging Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi lang dapat nananahimik. Ngayong panahon ng pandemya, tumulong kayong pagaanin ang paghihirap ng mga Pilipino.

 

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with