EDITORYAL - Pakikipaggiyera sa mga corrupt
EDITORYAL - Pakikipaggiyera sa mga corrupt
(Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

NAPUNO na ang salop! Dapat nang kalusin ang mga corrupt sa buong pamahalaan. Ito ang ibig ipahiwatig ni President Duterte nang kanyang ipag-utos kay Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang alegasyon ng korapsyon sa buong gobyerno. Isang inter-agency task force ang dati nang binuo ni Guevarra para imbestigahan ang mga nangyayaring katiwalian sa pamahalaan. Unang nasampolan ng task force ang mga tiwali sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ginawa ng Presidente ang utos sa isang taped address kahapon ng umaga.

Noong nakaraang linggo, may kaugnayan din sa katiwalian ang mga sinabi ng Presidente at nabanggit pa niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na patuloy ang nangyayaring katiwalian. Sa baba umano nangyayari ang katiwalian. Mariin naman niyang sinabi na hindi kasama si DPWH Sec. Mark Villar sa mga gumagawa ng katiwalian. Imposibleng mangurakot si Villar dahil mayaman ito.

Maraming corrupt sa pamahalaan at minsan nasabi ng Presidente na balak na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa nangyayaring korapsiyon. Talamak umano ang korapsiyon sa maraming tanggapan ng pamahalaan at mukhang mahirap nang masolusyunan.

Marami ang bumatikos sa inihayag ng Presidente na balak magbitiw dahil sa problema sa corruption. Nagpapakita raw ito ng kahinaan. Sa halip daw na umatras ay dapat labanan ang mga corrupt. Kailangang ipakita ang tapang at bangis sa mga corrupt.

Minsan sinabi ng Presidente, makaamoy lamang daw siya ng singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan, sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Wala na raw tanung-tanong pa. Kaya payo niya noon sa mga naaakusahan nang korapsiyon, magbitiw na lang kaysa hiyain pa niya.

Ganyan dapat ang gawin niya. Sibakin agad at huwag na niyang ibabalik sa posisyon. Ilang opisyal na ang sinibak niya dahil sa corruption pero nilagay uli sa ibang puwesto. Halimbawa ay si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ngayong minanduhan na ng Presidente si Secretary Guevarra na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian, maaaring mawasak na ang korapsiyon. Sana, maging epektibo at magkaroon ng magandang resulta ang pakikipaglaban sa mga tiwaling opisyal. Unahin ang mga corrupt sa PhilHealth, Immigration, Customs at maging sa DPWH.

CORRUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with